^

Pang Movies

Liz, sumuko na sa bashers!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Liz, sumuko na sa bashers!

Sinunod ni Liz Uy ang suggestion ng ilang netizens at pati na rin siguro ng kanyang mga kaibigan na i-disable ang comment box ng kanyang Instagram kung saan, in-announce niya ang engagement nila ni Raymond Racaza. Naka-5,537 comments bago niya i-disable ang comment box, karamihan doon ay hate comments at pamba-bash.

Inis na inis siguro ang ha­ters and bashers dahil hindi sila makapag-post ng galit nila kay Liz. Ang iba, sa ibang comment box nagpo-post, kaya hindi kami magugulat kung i-disable na rin niya ang buong comment box.

Puntirya rin ng haters at bashers si Isabelle Daza na nag-trending pa sa Twitter at ang kasalanan nito para sa kanila, siya ang nagpakilala kina Liz at Raymond at ang tawag nga ni Liz sa kanya ay “cupid.”

Nasa Hong Kong si Isabelle ngayon at kahit nasa ibang bansa, sinusundan pa rin ng pamba-bash. May mga nakahanap pa ng old photos nina Isabelle at Dr. Ging Zamora, ang ex-wife ni Raymond para ipaalala kay Isabelle na kaibigan niya ang dating asawa ng fiance ngayon ng kaibigan niyang si Liz.

Sana naman, kapag ikinasal na sina Liz at Raymond at si Dr. Ging sa fiance niyang si Dr. Lauro Abrahan, wala na ang galit ng netizens kay Liz at pati na kay Isabelle. Ano ‘yun, mas apektado pa sila sa apat? Masaya na ang apat, sila puno pa rin ng galit ang mga dibdib?

Dingdong, BMW motor ang pang-deliver

Purple ang kulay ng uniforms ng riders o delivery men ng Dingdong.Ph, ang delivery app na binuksan nina Dingdong Dantes at mga kaibigan para matulungan ang taga-entertainment industry na nawalan ng trabaho dahil sa pandemic. Purple rin ang kulay ng motorsiklo na gamit ng riders at pati ang box na lalagyan ng mga order.

Sa kanyang post kahapon, ipinakita ni Dingdong ang helmets na gagamitin ng riders na kulay purple rin at maganda silang tingnan. Nabanggit ni Dingdong na pinahiram sila ng BMW Motorrad Philippines ng brand new R1250 GS motor na gagamitin sa delivery. Hindi lang nabanggit ni Dingdong kung isang motorsiklo ang ipinahiram o marami sila.

Ang astig lang na BMW motor ang gamit ng riders na magde-deliver ng inoor­der mong food. Isa pa palang maganda sa Dingdong.PH, karamihan sa merchants ay mga taga-showbiz din, natutulungan din sila nila Dingdong na kumita.

Samantala, this Saturday, ang release ng 3rd anniversary teaser ng Tadhana. Pinaaabangan ang mga episode sa drama anthology sa buong November dahil kapupulutan pa rin ng aral at magbubukas sa ating mga mata sa tunay na nangyayari sa mga OFW.

vuukle comment

LIZ UY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with