^

Pang Movies

Isabelle, binira sa pagiging ‘best cupid’ at kunsintidora

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Isabelle, binira sa pagiging �best cupid� at kunsintidora
Isabelle

Grabe ang bashing na natatanggap ni Liz Uy mula nang i-announce ang engagement nila ni Raymond Racaza. Ang masayang announcement ay sinagot ng bashing ng netizens at wala silang pakundangan sa pagtawag kay Liz ng kung anu-anong masasakit na salita.

Pati nga celebrities na nag-congratulate kay Liz, binash din, gaya ni Janine Gutierrez na tinawag na “enabler” at may mga nag-unfollow pa sa Instagram dahil disappointed sila sa aktres.

Si Alex Gonzaga, kinumusta ang Bible study sa bahay nila dahil lang nag-congratulate kay Liz. Hindi raw alam ni Alex ang ika-anim na utos at akala raw ng netizen, Christian si Alex.

Disappointed din ang netizens kay Solenn Heussaff dahil sine-celebrate ang relasyon nina Liz at Raymond para lang suportahan si Liz. Si Luis Manzano, hindi nakaligtas dahil ‘yung “congratulations” niya ay sinagot ng comment na “relatable? Not surprising. Two timer ka din before.”

Kay Isabelle Daza mas nag-react ang netizens dahil sa post ni Liz na “You’re the best cupid” at nalaman na si Isabelle ang nag-introduce kina Liz at Raymond. Si Isabelle raw pala ang may kagagawan ng lahat at tinawag pa siyang kunsintidora ng taon at tinawag din siyang enabler.

Pero, tama ang comment ng kapatid ni Liz na si Vince Uy na dapat alamin muna ng bashers ang facts bago i-bash ang kanyang kapatid.

Netflix gagamitin ang boses ni Julie Anne

Si Julie Anne San Jose ang napili ng Netflix to sing a song cover ng Rocket to the Moon, na lead single ng Netflix film na Over The Moon. Naka-post sa Instagram ang announcement ng Netflix tungkol dito.

Masaya ang fans ni Julie Anne sa bago niyang achievement at may nag-comment sa Netflix na right person ang napili nila to sing the song. May fans pa nga si Julie na nag-request na i-produce nila ng musical show para kay Julie Anne.

Pati showbiz friends nito, masaya at natuwa para sa kanya at wish nila, masundan pa ng ibang good projects si Julie. May nanawagan din sa GMA 7 na bigyan uli ng acting project si Julie Anne na sa All-Out Sundays at The Clash napapanood.

vuukle comment

LIZ UY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with