^

Pang Movies

Gladys, ginawang negosyo ang That’s...

Gorgy Rula - Pang-masa
Gladys, ginawang negosyo ang That�s...
Gladys

MANILA, Philippines — Na-enjoy ng mga dating taga-That’s Entertainment ang kanilang virtual reunion na That’s Zoomustahan.

Napanood ito sa Facebook noong nakaraang Sabado ng gabi at tuwang-tuwa raw sila na sumali pa sina Lea Salonga, pati si Mayor Isko Moreno.

Sina Chuckie Dreyfus at Jennifer Sevilla ang nag-organize at naging successful naman ang kanilang pagkikita-kita bilang bahagi na rin ng selebrasyon nila ng kaarawan ni German Moreno.

Nakatsikahan ko nga si Gladys Reyes na nag-enjoy sa kumustahan nila.

Kuwento nga niya, hanggang sa negosyo niya, nandiyan pa rin ang impluwensya ng That’s Entertainment.

Bukod sa kanyang Estela Restaurant at Sommereux catering na nasa delivery na ng pagkain, may bago na naman siyang negosyong binuksan na mga karne naman daw ito. Marinated meat products daw ito na ready to eat and ready to heat. Ang tinawag daw nilang That’s Entertainmeat.

Sabi niya, “Ito yung That’s Entertainmeat, ang karneng walang germs.”

Iyon daw ang tagline ng negosyo nilang iyon. Thankful si Gladys na alam daw ng asawa niyang si Christopher Roxas kung paano patakbuhin ang negosyo nila.

Pero dahil sa pandemic na ito, na-involve na rin siya at napagtanto raw niyang marunong naman pala siya. “Akala ko iyon lang ang pag-aartista ang kaya ko na ikabubuhay. Pero who would have thought na because of this pandemic lumabas nga ‘yung mga creative ideas ko.

“May acting workshop, ang catering ng Sommereux, tapos itong That’s Entertainmeat. Tapos, sabi ko nga kung kailan may pandemic hindi ko akalain na magiging endorser ako ng The Skin Bureau,” bulalas ng aktres.

Kaya talagang mabisa raw ang patuloy na pagdarasal sa mga blessing na dumating sa kanya. “You can never go wrong, basta ipanalangin mo lang,” pakli ni Gladys sa tsikahan namin sa kanya sa launch ng The Skin Bureau.

Pinky at Yeng, namimigay ng regalo tuwing Martes

Bukas ng umaga ay magkakaroon ng feeding program at mamimigay ng regalo ang grupo ng Grateful Tuesdays nina Pinky Tobiano at Yeng Constantino sa district 5 ng Quezon City na sakop ni Cong. Alfred Vargas.

Sa Barangay Gulod sa Novaliches, Quezon City sila magpapakain at mamimigay ng mga regalo sa mga kabataan doon, sa tulong na rin ng konsehal nilang si Coun. PM Vargas.

Nasa pangatlong linggo pa lang na napapanood ang Grateful Tuesdays pero mahigit isang libo na ang nabigyan nila ng regalo na bahagi ng kanilang Care and Share program. Tinutukso na nga namin si Miss Pinky na parang siya na nga ang susunod na Cielito ‘Mahal’ del Mundo o Rosa Rosal ng Kapwa Ko, Mahal Ko.

Bukod sa dalawang barangay na naikot nila para bigyan ng pagkain at regalo, nakapagbigay na rin sila ng laptops at libreng load sa mga masu­werteng manonood. Napapanood ang Grateful Tuesdays nina Pinky at Yeng tuwing Martes ng 7 p.m. sa Facebook page ng Cornerstone Entertainment.

vuukle comment

GLADYS REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with