^

Pang Movies

Sarah, may major virtual concert

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Nagsisi siguro ang basher ni Sarah Geronimo dahil ang positive ng post ni Sarah kung saan, binati ng happy birthday ang amang si Delfin Geronimo. Sukat ba namang may mag-comment na hindi raw proud si Sarah sa asawang si Matteo Guidicelli dahil wala siyang post sa asawa.

Hindi na kailangang sagutin pa ni Sarah ang basher dahil ang fans na niya ang sumagot na birthday ng ama ni Sarah, tapos hahanapan ng post kay Matteo? Inaway ang basher dahil ang positive nga naman ng post ni Sarah, tapos hahaluan ng nega.

Mas maganda ang mga nag-comment wishing Sarah na maging maayos na sila ng kanyang pamilya, lalo na at magpa-Pasko na. Ang ganda raw sanang makakita ng mga litrato na kasama nila ni Matteo ang pamilya ni Sarah dahil sa ngayon, pamilya ni Matteo ang nakakasama ni Sarah.

Samantala, marami na ang natutuwa sa posibilidad na magkaroon ng virtual concert this year si Sarah dahil sa tweet ni director Paul Basinillo na “Still preparing for this year’s major projects. LORD guide us in making this happen. @vivaArtists @JustSarahG.”

Derek at Andrea, nagkontrahan sa trabaho

Nabasa namin ang press release kay Andrea Torres patungkol sa drama anthology na I Can See You: The Promise na simula na ng airing this Monday, 9:15 p.m., sa GMA Telebabad ng GMA 7. Sabi kasi nito, looking forward na siya sa next niyang work.

Nalito kami dahil sa isang interview kay Derek Ramsay, naikuwento na nakaranas ng depression si Andrea after ng taping ng The Promise, kaya pinayuhan niya ang GF na ‘wag munang magtrabaho hanggang end of this year o hanggang maging normal na ang takbo ng buhay.

Paano ‘yan, Derek, at naglu-look forward na si Andrea sa susunod niyang project?

Ibig bang sabihin nito, hindi susundin ni Andrea ang sleepover partner sa payo nitong iwasan munang magtrabaho.

Billy, umaming lumipat para sa pamilya

Nagkaroon na ng technical rehearsal ang judges ng Masked Singer Pilipinas na sina Aga Muhlach, Matteo Guidicelli, Kim Molina, at Cristine Reyes. Ang Viva kasi ang producer ng singing competition para sa TV5, kaya puro Viva stars ang judges. Sa October 24, na ang pilot ng Masked Singer Pilipinas at makakatapat yata nito ang The Clash 3 ng GMA 7.

Ang ganda ng sagot ni Billy sa isang Kapamilya fan na nag-comment ng “Congrats!! But Im a #kapamilyaforever” na sinagot ni Billy ng “same here:) it’s for my family.”

Saka, mas marami naman ang nakakaintindi sa paglipat ni Billy sa TV5, gaya ni Vhong Navarro na nag-message ng good luck sa dating kasama sa It’s Showtime.

Bahay ni Paolo, ang lakas maka-good vibes

Ang lakas ng positive vibe na ibinigay sa post ni Paolo Ballesteros ng photos ng bahay niya sa Antipolo na kapag araw, big red ribbon lang ang makikita. Pero sa gabi, nagiging Christmas light ang ribbon na talaga namang magandang tingnan at nakaka-lift ng spirit. Kaya kahit, “Pasko na sa Antipolo” at “Merry Christmas” lang ang caption ni Paolo sa dalawang litrato ng kanyang bahay, marami ang nagkagusto.

Ang positive rin ng comments at na-achieve ni Paolo ang gusto na makapagbigay siya ng inspirasyon sa mga makakakita sa kanyang bahay.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with