^

Pang Movies

MOA Concert Grounds, gagawin munang sinehan

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Gagawing drive-in movie theater ang SM Mall of Asia Concert Grounds ngayong September 9, ayon sa report ng GMA News Online.

Bawal pa rin kasi ang mga concert ngayong may pandemya. Eh gumawa na rin ng drive-in cinema sa SM Pampanga kaya naman ang taga-Metro Manila ang makaka-experience ng drive-in cinema na puwede sa lugar na under general community quarantine gaya ng NCR.

Pero ayon sa report, bukas lang ito tuwing Miyerkules at Linggo.

At least, kahit sarado pa ang mga sinehan sa malls, makakapanood na ng movies, foreign or local, ang mahilig sa sine nating kababayan, huh!

Chef Jose, may bagong show?!

Palaisipan sa viewers at netizens kung sino ang maghu-host ng bagong programa ng GMA Network na Lockdown: Food Diaries.

Silhouette lang kasi ng isang lalaki ang kita sa TV plug. Hindi na puwede si Dingdong Dantes dahil balik-taping na siya sa kanyang series.

May sisimulan ding bagong drama anthology si Alden Richards kaya ligwak na rin siya na mapili.

Tungkol sa pagkain ang show at kung paano ito binago ng COVID-19 pandemic ang food industry.

Naku, baka ang host ay ang guwaping na chef na si Jose Sarasola na bahagi na rin ng GMA Artist Center, huh na dyowa ni Maria Ozawa.

vuukle comment

GMA NETWORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with