^

Pang Movies

Gabby, malabong lumagare

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Isang malapit kay Gabby Concepcion ang nakakuwentuhan ko.

“Magre-resume na raw ang taping ni Gabby ng First Yaya teleserye nila ni Marian (Rivera),” sabi ng kausap ko. Bale last week of October daw ang sabi at lock-in taping ‘yon which is the new normal na ngayon dahil nga sa COVID-19 pandemic. Sabi ng kausap ko, tinanong din niya ang isang malapit kay Marian tungkol doon at ang sagot daw sa kanya ay tuloy na nga raw uli ang taping ng First Yaya.

Balita ngang marami na rin sa mga teleserye ng GMA 7 ang magbabalik-taping na. So, sa pagbabalik-taping ng First Yaya nina Gabby at Marian, matitigil na kaya ang tsikang magkakaroon ng show sa TV5 ang aktor kasama ang anak na si KC Concepcion?

Guaranteed contract star din kasi ng Kapuso network si Gabby kaya parang malabo namang maglagare siya sa GMA 7 at TV5 lalo na nga at lock-in na ang mga taping ngayon.

Dahil nga sa pandemic, ang isa sa hindi puwedeng gawin ngayon ng mga artista (pati ng production people) ay ‘yung maglagare sa ilang projects.

Agree, Ateng Salve?!

Melissa, engaged na sa pastor

Dahil na-announce na nga na engaged na si Melissa Ricks sa kanyang ng non-showbiz boyfriend na si Michael Macatangay, marami sa followers ng aktres sa kanyang social media accounts ang nagko-comment na mukhang buntis na siya.

May mga nagdududa nga raw na kaya in-announce na ni Melissa ang engagement nila ni Michael ay dahil magiging mommy na naman siya. May anak na si Melissa, si Keira, sa ex-boyfriend niyang si Charles Togezaki.

May isang malapit kay Melissa na inusisa ko kung buntis ba uli ang aktres, pero hindi raw. Medyo lumaki raw kasi si Melissa ngayon kaya marami ang nag-aakalang buntis ang aktres.

Samantala, maraming mga kaibigan ni Melissa ang nagsabing happy sila for her dahil masaya raw talaga si Melissa sa piling ng fiancé.

Isang malapit na kaibigan ni Melissa ang nagkuwentong sobrang mahal ang aktres ng mapapangasawa dahil mabait ito.

Pastor si Michael at during the lockdown ay naka-stay pa ang mag-ina sa farm ng pamilya nito sa Batangas.

Madalas din daw si Melissa sa lugar ng fiancé sa Greenhills.

Wow, ang bongga! ‘Yun na!

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with