^

Pang Movies

Jessy, takot pa rin kay Ate Vi

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jessy, takot pa rin kay Ate Vi
Jessy

Aside from Pauleen Luna-Sotto, Ria Atayde and Pokwang ay nakatsikahan din ng entertainment press sa Zoom presscon si Jessy Mendiola na may bago namang fitness show sa TV5, ang Fit for Life.

Sa tanong kung sino ang dream niyang ma-interview sa show, aniya ay ang boyfriend niya pa ring si Luis Manzano lalo pa nga’t mahilig din itong mag-work out. Wala raw ito sa line-up ng guests this season and hopefully raw ay sa next season.

Natanong din ang hosts ng dalawang shows kung sino naman ang sa tingin nila ay parang natatakot silang ma-interview or ‘yung hindi nila kayang interbyuhin, ang sagot ni Jessy ay si Star for All Seasons Vilma Santos, ang nanay ni Luis. “Although Tita Vi is very, very nice, parang feeling ko mananahimik na lang ako sa kanya,” natatawang sabi ni Jessy.

Biniro nga siya nina Pokwang na magaling mag-dance si ate Vi kaya good idea talaga na mag-guest ito sa kanyang fitness show at sabay silang magsayaw.

Natanong din si Jessy kung humihingi ba siya ng pointers kay Luis as a TV host since as we all know ay magaling itong TV host while ang aktres ay first time pa lang to host a show. “Yes,” sagot ni Jessy, “actually dati pa ako nagpapatulong sa kanya siyempre, hindi naman ako. . .nakakadugo rin minsan ang parating nag-i-English, ano? Baka mamaya, nagho-host ako ng Fit for Life, biglang dumudugo na ang ilong ko,” sabay-tawa.

Pero ang isa raw sa itinuro sa kanya ni Luis ay dapat na maging good listener din siya bilang isang TV host. “Sabi niya, ‘first of all, you have to listen, hindi ka dapat naka-focus lang du’n sa questions mo, you have to listen to their answers para at the same time, ma-connect mo rin sa mga question na itatanong mo.’

“So, ‘yun ang pinakaunang natutunan ko sa kanya. As a host, you have to listen, not to ask lang. You have to listen and to react also,” she said.

Pauleen, gustong maka-chika si Sarah

Ayon kay Pauleen Luna-Sotto, very supportive naman daw ang asawang si Vic Sotto na pinayagan siyang magtrabaho sa TV5. Kasama ang aktres/TV host nina Pokwang at Ria Atayde bilang hosts sa bagong morning show ng Kapatid Network na Chika BESH! (Basta Everyday Super Happy).

Although clingy type raw si Bossing dahil nasanay na rin daw ito na araw-araw silang magkadikit 24/7, hindi naman daw siya pinigilan na tanggapin ang bagong trabaho. “He’s very supportive. He lets me be who I want to be, you know, do what I wanna do, pero clingy pa rin,” natatawang sabi ni Pauleen sa Zoom tsikahan last Tuesday.

Nasa Eat Bulaga pa rin daw siya hanggang ngayon kaya bale lagare siya ngayon sa dalawang shows. Pero twice a week lang naman daw ang taping ng Chika BESH! kaya keri lang at kaya naman daw i-manage. Natanong nga ang tatlong hosts kung sino ang dream nilang ma-interview para sa kanilang show at sagot ni Pauleen ay si Sarah Geronimo raw dahil matagal na siyang fan ni Popstar Royalty. “I’m a Popster, super! Gusto ko siya talagang ma-interview, especially now that she’s married, it would be nice to ask her how she is, and how’s her married life and all, and all her plans, so it would be nice to interview her,” ani Pauleen.

Nagsimula na ang Chika BESH! (Basta Everyday Super Happy) last Aug. 17 at napapanood ito Mondays through Fridays at 10 a.m. on TV5.  It also has same day airing on Colours at 11:00 a.m.; available on Cignal TV CH. 202 HD and CH. 60 SD.

vuukle comment

RIA ATAYDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with