^

Pang Movies

Dennis, parang tunay na tatay ng anak ni Jennylyn

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nag-costume pa si Dennis Trillo ng suot ni Blippi, iyong music artists na kinagigiliwan ng mga bata sa ngayon para sa birthday celebration ni Alex Jazz, ang anak ng kanyang girlfriend na si Jennylyn Mercado kay Patrick Garcia.

Talaga naman daw kasing close na close na si Dennis kay Alex Jazz, dahil kahit na hindi naman siya ang tatay noon, at hindi naman planong palitan ni Dennis ang pagkalinga ng tunay na ama ng bata, naroroon naman siyang lagi para punuan kung ano man ang pagkukulang. Alam naman niya kung ano ang limitasyon, kasi may sarili na rin namang pamilya ngayon si Patrick at siguro gustuhin man niya ay hindi niya mabigyan ng sapat na panahon si Alex Jazz.

Para naman doon sa bata, parang nakikita niya ang tatay niya kay Dennis.

Si Dennis ay may anak din naman, si Calix, sa dati niyang girlfriend na si Carlene Aguilar. Hindi na rin naman masasabing nasa ayos ang samahan ni Dennis at ng kanyang anak dahil sa ilang problema nila, at siguro nga ang pangungulila ni Dennis sa anak niya ay napupunuan din naman ng kanyang pagiging close kay Alex Jazz.

Siyempre natutuwa naman si Jennylyn sa sitwasyong iyon, dahil kahit paano ay may kinikilalang ama ang kanyang anak.

In the end, ang panalo riyan ay ang kanyang anak dahil kahit na may problema sa relasyon ang kanyang mga magulang, hindi niya nadarama iyon sa kanyang paglaki dahil nariyan nga si Dennis. Alam din naman ni Alex Jazz kung sino ang tunay na tatay niya.

Marvin binata na ang mga anak

Nakakagulat, 15 years old na pala ang anak na kambal ni Marvin Agustin, sina Sebastian at Santiago, na naging anak naman niya sa dati niyang karelasyong si Tetet Dy. May kanya-kanya nang buhay sina Marvin at Tetet at hindi naman talaga nagtagal ang kanilang relasyon.

Hindi maliwanag sa amin kung ang kambal ay kasama ni Marvin o kasama ng nanay nila, pero nang mag-birthday sila ay binati naman sila ng kanilang tatay. At sinabi pa niyang “kung hindi ninyo maintindihan ang sinasabi ko, tanungin ninyo sa mommy ninyo,” na nagbigay sa amin ng paniniwala na ang mga bata nga ay nasa piling ng kanilang ina. Pero isipin ninyo, si Marvin, may mga anak na palang kinse anyos sa ngayon.

Male starlet na malinis ang image, pinagkakaperahan ang sex video ngayong pandemic

Disente naman ang pagkakakilala namin sa isang male starlet. In fact, malinis ang kanyang image. Minsan nga lang siya nagpa-sexy sa isang pelikulang indie na ginawa niya noong araw.

Pero nagulat kami sa tsismis na pumapayag daw siyang gumawa ng self sex video, basta papasahan siya ng P5,000 sa pamamagitan ng isang cash transfer application. 

Iyan ba ay dahil sa hirap na rin ng panahon, lalo nga’t walang trabaho talagang makuha ang mga artista, lalo na kung hindi masyadong sikat?

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with