^

Pang Movies

John Regala napagkamalan lang na palaboy!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
John Regala napagkamalan lang na palaboy!
John Regala

Hindi naman daw siya pagala-gala. May hinihintay lang na nurse doon sa Pasay si John Regala para masaksakan siya ng iniksiyon para sa kanyang gout. Dumating naman daw ang nurse at nagamot ang ilan niyang sugat, at nasaksakan nga ng iniksiyon para sa gout.

May nagsasabi pang sinabi raw niyang hindi siya kumakain ng ilang araw na, pero iyon ay dahil wala raw siyang panlasa. In fact, sinasabi sa report na pagkatapos niyang magamot ay umalis siya, siya pa mismo ang nagda-drive ng dala niyang sasakyan na isang Starex van.

Pero siyempre, ang naglalabasan sa social media, akala mo talagang walang-wala na si John, at palaboy na sa ngayon. Hindi naman siguro ganoon ang sitwasyon niya, bagama’t sinasabi ngang iniwan na rin siya ng pamilya niya.

Dahil diyan, babagsak na naman tayo sa “artists’ welfare.”

Hindi lang si John Regala, may isang sexy female star noong araw na nakatira na lang daw sa ilalim ng tulay. May isa pang kami mismo ang nakakita, nagulat kami dahil nagtitinda siya ng bagoong sa talipapa. Noong mapansin niyang nakatingin kami sa kanya, at sigurado namang nakilala rin niya kami, umiwas siya ng tingin. Hindi na namin siya inistorbo, pero sexy siya at mahusay na dancer noong araw.

Isa iyan sa mga dahilan kung bakit naisipan nilang itayo ang Mowelfund.

Kaso medyo naiba na ang programa ng Mowelfund, nagkaroon na ng film making scholarships, kaya nga nabawasan pa ang pondo para sa artists’ welfare. Bukod doon, ang napagkukunan ng pondo ng Mowelfund ay ang MMFF, pero dahil sa binawasan na rin ang amusement tax, bukod pa nga sa marami na silang kahati sa kinikita ng festival, wala na rin halos silang makuha roon.

Aywan kung sino nga ba ang makakaisip kung ano ang magagawa para sa welfare ng mga retired, matatanda at mga may sakit nang artists.

Kawawa naman sila.

Mga artista, umaasa na lang sa internet show

Pati si Karla Estrada ay papasok na rin sa hos-ting ng isang internet show.

Iyong mga reporter, ayaw na ring magsulat, ang gusto ay internet show na rin.

Pati mga sexy star, at maski na iyong gay film stars, kung gagawa nga naman sila ng pelikula, kalaban pa nila ang MTRCB, kaya internet films na rin.

Napakaliit ng kita riyan, kasi magkano lang naman ang makukuha mo. Ma-monetize man ang account mo. Pero naroroon ang katuwirang “mas mabuti na iyan kaysa sa wala.”

Ganoon na nga ba kamiserable ang buhay sa show business ngayon?

Sikat na aktor at ibang Kapamilya,may karanasan sa bading

Sikat si male star at ang alam namin sa laki ng kinita niya in the past marami na siyang ipon. Mayaman na siya. Pero ipinipilit sa amin ng isa naming source na ang sikat na male star ay may lover na gay politician na siyang sumusuporta sa kanya ngayon at sa kanyang buong pamilya, pati na sa bonggaderang nanay niya.

Kung sabagay, hindi nakakapagtaka. Marami rin namang ibang nauna sa kanyang naging artista sa angkan nila na nagkaroon din ng relasyon sa gays, na hindi naman maitatago talaga. Kaya lang nagulat kami na pati pala siya ganoon na rin.

Mas nagulantang naman kami nang sabihin sa amin kung sino iyong tinutukoy na gay politician.

Akala pa naman namin talagang kagalang-galang.

Pwe!

vuukle comment

JOHN REGALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with