^

Pang Movies

Richard, waiting sa serye nila ni Bea

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Bonding muna ni Richard Gutierrez sa misis na si Sarah Lahbati at mga anak na sina Zion at Kai habang pahinga muna siya sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Pero sabi nga ni Richard, babalik siya sa set ng nasabing Coco Martin-starrer ng first week of August. “May (COVID-1) swab testing uli bago bumalik sa taping,” sabi ni Richard at isa nga kasi ‘yon sa health and safety protocols na ipinatutupad bago mag-lock-in sa taping.

Mukhang enjoy naman si Richard sa taping ng nasabing series dahil maganda ang feedback sa triangle nila nina Yassi Pressman at Coco.

Kapag naka-live streaming nga ang FPJ’s Ang Probinsyano sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment, ‘katuwa ang pagtsa-chat ng mga fan lalo na noong malaman na ni Richard bilang si Lito na may asawa na pala ang kababata niyang si Yassi (Alyanna) at si Cardo (Coco) nga ‘yon.

Marami ang na-hurt for Richard’s character dahil marami pa naman ang maka-Team #LiYanna.

Samantala, may isang nakatsikahan ako na nagsabing malamang na umabot pa hanggang next year ang airing ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Magtatapos naman daw ang character ni Richard sa FPJ’s ang Probinsyano once na magre-resume na sila ng taping ni Bea Alonzo para naman sa kanilang teleserye na nagsimulang mag-taping noong isang taon at natigil lang dahil sa lockdown na dulot ng COVID-19 pandemic.

Matteo, expert na sa Italian dishes

Birthday ni Sarah Geronimo noong Saturday at bago ang araw na ‘yon, dumalaw sa bahay nila ang kaibigang si Garlic Garcia (dating writer ng ASAP).

Pinost ni Garlic sa kanyang social media account habang nagse-serve ang mister ni Sarah na si Matteo Guidicelli ng shrimp scampi with aglio olio pasta.

Sabi ni Garlic, “It’s one of the best pasta dishes I’ve ever eaten.

“Gosh, ampogi na, ang galing pa magluto ni @matteog. Made with love for @justsarahgph bday salubong.”

Gumawa rin daw ng eggplant chips with olive oil and parmesan ang mister ni Sarah.

May baked cheesy pandesal din sila na kinain na ang caption ni Garlic ay, “Dinner started trying out a proudly @justsarahgph baked dinner roll of cheesy pandesal. I was thoroughly impressed! It was dense but light, milky and flavourful.”

Marami sa dishes na niluluto ni Matteo para sa kanyang misis ang matitikman sa Italian restaurant nila na Da Gianni Cucina Italiana Manila na matatagpuan sa WestGate Center sa Filinvest, Alabang. Ilang beses na akong nakakain sa restaurant ng pamilya ni Matteo dahil mahilig magyaya doon si Martin Nievera na tatay-tatayan ng mister ni Sarah.

Noong isang araw ay nakatsikahan ko rin si Ruffa Gutierrez, naikuwento niyang nanggaling siya sa restaurant nina Matteo.  ‘Yun na!

vuukle comment

RICHARD GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with