^

Pang Movies

Bianca, nilantad na ang ginagawa nila ni Ruru

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Bianca, nilantad na ang ginagawa nila ni Ruru
Bianca at Ruru

Kahapon, Sunday morning, July 19, ilang oras pa lamang lumabas ang Instagram post ni Bianca Umali ng photo nila ni Ruru Madrid in a sweet pose, nakakuha na agad ito ng more than 132,338 likes at 2,267 comments mula sa mga kapwa Kapuso stars, fans and netizens.  Mukhang pabor na pabor silang lahat sa relasyon ng dalawa na matagal din muna nilang inilihim, although hindi sila sumasagot ng ‘oo’ o ‘hindi’ kapag tinanong.

Comment ni @rurumadrid8 Kiligs (with three heart emojis). Ilan sa nag-comment sina Bea Binene, Edgar Allan Guzman, Mark Herras, Camille Prats, Buboy Villar at Mikee Quintos. 

Nang magsimula si Bianca sa GMA Network, sila na ni Miguel Tanfelix ang magka-love team as BiGuel.

Last year pa ang last teleserye nila, ang Kambal Karibal pero isang adult teleserye ang sisimulan ni Bianca, ang Legal Wives na makakasama niya sina Alice Dixson, Megan Young at si Dennis Trillo.

Maine araw-araw nagsa-shopping

Nag-enjoy ang mga fans ni Maine Mendoza sa interview sa kanya ng Zalora sa bahay nila sa Sta. Maria, Bulacan. 

Three days lamang nagri-report si Maine sa Eat Bulaga, sa APT Studios.  Mondays to Wednesdays, live sila nina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros at Alden Richards, after ng live, nagti-tape naman sila ng episodes for Thursdays to Saturdays. 

Si Bossing Vic Sotto naman ay naka-online mula sa bahay nila ni Pauleen Luna.

Habang nasa bahay lamang si Maine, marami raw siyang naisip, isa rito ay ang magtayo ng sari­ling business, kapag natapos na ang pandemic.

“Naglagay ako ng small office sa bahay namin at doon, marami akong naisip na gagawin bukod sa trabaho ko ngayon sa showbiz,” pahayag ni Maine. 

“May nabuo na ako, pero hindi ko pa pwedeng sabihin dahil inaalam ko pa ang mga bagay-bagay para rito.”

Inamin ni Maine na nawili siya sa online shopping.

“Araw-araw nag-oorder ako kahit ano lamang gusto ko, kahit maliliit na bagay lamang. It keeps me sane habang naka-quarantine tayo na naghihintay ako ng tawag ng delivery boy na may tatanggapin akong order from them.”

Sa online selling din kaya ipapasok ni Maine ang anumang business na itatayo niya? Pero noon ay naghahanap ng lugar sa Que­zon City si Maine, doon kaya niya ilalagay ang anumang business na sisimulan niya?

vuukle comment

BIANCA UMALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with