GMA, wala nang utang
Debt-free na ang GMA Network as of March 2020. “I am pleased to say that our company is debt-free as of end-March 2020,” deklarasyon ng GMA-Chairman and Chief Executive Officer Atty. Felipe L. Gozon sa nakaraang annual stockholders’ meeting last Friday, July 1, via Zoom.
Gaya ng ibang malalaking kompanya, naapektuhan din ang income ng GMA sa first quarter ng taon na P3.5 billion, seven percent lower kumpara sa 2019 income sa tatlong buwan ng taon.
Inilunsad din ng Kapuso Network ang kanilang affordable box last June.
Ayon kay FLG, nalampasan nila ang target sales nito at ayon pa sa kanya, para raw hot pandesal ang benta nito.
Sa susunod na mga buwan, magdadagdag ng bagong digital channels dito bukod sa GMA-7, GMA News TV at Heart of Asia.
Sa nasabing meeting, may isang stockholder na nagtanong tungkol sa ABS-CBN franchise. Subalit minabuti ni Atty. Gozon na hindi na magkomento tungkol dito.
As of this writing, may schedule ng noise barrage caravan ang Kapamilya stars at supporters sa dalawang assembly points, Luneta Grandstand at Ayala Triangle, Makati.
Kasunod nito ang motorcade at sa ABS-CBN Esguerra gate magtitipun-tipon ang lahat.
- Latest