^

Pang Movies

Baby ni Assunta hindi nagpakita ng gender sa OB

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Baby ni Assunta hindi nagpakita ng gender sa OB
Assunta

Finally, Ateng Salve, nakapagpa-natal check-up na rin si Assunta de Rossi sa kanyang OB-Gynecologist.

Dapat noong June 22 siya magpapa-check-up at ultrasound, pero hindi ‘yon natuloy, kaya noong Monday lang nakapunta si Assunta sa Makati clinic ng kanyang OB-Gynecologist.

Magka-text nga kami ni Assunta after ng kanyang check-up at ikinuwentong, “Super ok lahat. May mga gagawin pang screenings at tests in the coming weeks.    

“Bale 22 weeks or 5 ½ months na ang ipinagbubuntis ko,” sabi ng aktres.

Hindi pa alam ang gender ng baby dahil hindi ‘yon nakita sa ultrasound.

“Natatakpan ng legs. Ok lang, marami pa namang panahon. Iikot pa ‘yan. That happens, sabi ng OB ko,” sey pa ni Assunta.

Sobrang excited na nga raw sila ng mister na si Jules Ledesma na malaman ang gender ng kanilang baby, pero baka sa next ultrasound na raw.

Pero masaya sila dahil healthy nga raw ang kanilang little miracle from heaven.

In two weeks, magpapa-check-up uli ang aktress at ibabalita raw niya kaagad ang gender ng kanyang baby.

Anyway, ka-chat ko naman sa pamamagitan ng WhatsApp ang nanay ni Assunta, si Mommy Nenita Schiavone na based sa Martano, Italy.

Noon kasing hindi makapagpa-check-up si Assunta at lockdown dahil sa COVID-19 pandemic, panay ang kulit ni Mommy Nenita sa kanyang panganay. “So, natuwa ka na at nakapagpa-check-up na si Assunta?” tanong ko kay Mommy Nenita na sinagot kaagad niya ng, “Of course. Dapat lang na makapagpa-check-up na siya!”

Nice!

Mag-iina ni Carmina dinidirek ni Zoren sa sarap...

Nag-resume na pala ang taping ng morning talk show nina Camille Prats at Iya Villania sa GMA 7, ang Mars Pa More. Pero hindi raw sa studio ang taping nila.

Bale virtual taping. Sa kanya-kanyang bahay sina Camille at Iya, pati na rin ang mga guest nila.

Hindi lang malinaw kung kailan magsisimulang mag-air ang new episodes ng Mars Pa More.

Actually, pati si Carmina Villarroel at ang twins niyang sina Cassy at Mavi Legaspi ay balik-trabaho na rin sa Sarap ‘Di Ba.

Nag-virtual taping na rin sila. Sa bahay din at nakakatuwa nga raw na tumutulong pa si Zoren Legaspi sa mag-iina niya.  Si Zoren daw ang nagdidirek sa tatlo.

Ang bongga! ‘Yun na!

vuukle comment

ASSUNTA DE ROSSI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with