^

Pang Movies

Habang pinapakita ang ‘alaga’ indie actor ina-advertise ang ‘video’

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Matindi na talaga ang pangangailangan ng indie actor na ito. Dahil sa ilang buwang walang trabaho, naisipan na nitong magbenta ng aliw online.

Kilala sa indie community ang aktor na ito na madalas ay lumalabas sa mga sexy indie film. Malakas siyang kumita noon dahil nakakalimang indie film siya sa isang buwan. Kahit na hindi ito pinapalabas sa mga sinehan, direct-to-video ang mga indie film niya na for adults at karamihan ng mga suki ng mga ito ay mga beki na pinapantasya siya dahil all-out kung maghubad ang aktor.

Pero noong magkaroon ng lockdown, nawalan ng pagkakakitaan ang indie actor at halos maubos na ang savings niya.

May nagbigay ng raket sa indie actor na puwede itong kumita sa pamamagitan lang ng video chat. Dahil bawal pa ang physical contact, ang booking sa kanya ay online at kikita siya ng P5,000 kada video chat niya sa beki habang pinapanood siyang nagpapaligaya sa kanyang sarili.

Pumatok naman ang raket na ito ng indie actor dahil panay ang advertise niya sa kanyang social media account na may open schedule siya sa ganitong araw at oras.

Ibig sabihin, sunud-sunod ang mga gustong mapanood ang indie actor na mag-private show online at keber sila sa limang libo na ibabayad nila dahil kahit video chat ay up close and personal nilang nasisilayan ang pagkalalake nito.

Tekla, hindi pinagdamutan ni Willie

Hindi raw ipinagdaramot ni Willie Revillame ang tulong sa former co-host ng Wowowin na si Super Tekla.

Pinarating kay Willie ni Donita Nose ang paghingi ng tulong ni Super Tekla para sa kanyang bagong silang na anak na may anorectal malformation o walang butas ang puwet nito.

Sa programang Wowowin noong nakaraang Thursday, sinabi ni Donita  na nahihiya raw si Tekla na lumapit kay Willie at nakiusap na siya na lang ang magsabi rito. “Kuya Will, walang-wala talaga si Tekla ngayon dahil tatlong buwan itong walang trabaho dahil sa lockdown. Kung puwede raw sana, matulungan natin siya para sa anak niya,” sey ni Donita.

Sa Wowowin unang nakilala si Super Tekla pagkatapos siyang irekomenda ni Donita kay Willie. Hanggang sa nawala ito sa show.

Naging tapat naman si Willie sa pagsabi na may naging tampo siya kay Tekla dahil sa biglang pag-iwan nito sa kanilang show.

“Bago ang lahat, magkaalaman na tayo. Ang totoo ay hindi ko pinaalis si Tekla sa show. Siya ang umalis. Kasi nagte-taping kami tulog siya. Noong hinahanap namin siya, bigla na lang siyang nawala at umalis na raw.

“Hindi niya kami kinausap o tinawagan man lang para magpaliwanag. Nalaman na lang namin na kumuha siya ng sarili niyang manager.

“Ako naman, di ako nagtatanim ng sama ng loob sa kahit kanino. Dahil may pinagdaraanan ka Tekla, at kailangan ipagamot ang anak mo, makakaasa ka ng tulong ko,” diin ni Willie.

Dagdag pa ni Willie na gusto niyang tapusin ang mga maling usap-usapan sa nangyari sa kanila ni Tekla. “Sinabi ko na yung totoong nangyari. Tapos na yon at kailangan sa panahon ngayon, nagmamahalan tayo. Maging mabait tayo sa isa’t isa. Tigilan na natin ang siraan dahil tayu-tayo rin ang magtutulungan sa bandang huli.  Kaya Tekla, welcome kang pumunta dito anytime. Mag-perform kayo ulit ni Donita at dito ka na rin kumain.”

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with