^

Pang Movies

Angelika at Mika heartbroken sa kalagayan ng ama

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Angelika at Mika heartbroken sa kalagayan ng ama
Mika

Humihingi ng dasal ang magkapatid na Angelika dela Cruz at Mika dela Cruz para sa kanilang ama na may sakit. Hindi pareho nabanggit ng magkapatid kung ano ang sakit ng kanilang ama pero ang magandang balita, marami ang nagdadasal sa paggaling ng ama nina Angelika mula nang mag-post at humingi ng prayer healing.

Sa kanyang post, inamin ni Mika na natatakot siya sa kalagayan ng kanyang ama ngayon. “Words aren’t enough to express how sad, scared and broken I am right now.. sobrang sakit makita yung kalagayan mo ngayon. nabigla tayong lahat.. hindi tayo handa. i have now realized how precious each moment is and daddy i will forever be grateful for you. You saved me. You accepted me with all your heart. Kaya daddy lalakasan ko loob ko para sa ‘yo. Kasi we still need you. I STILL NEED YOU. Pinasa na kita kay LORD sabi ko siya na ang bahala. Mahal ka niya. Mahal kita. Lalaban tayo.

Please pray for my dad everyone...please please please,” ang panawagan ni Mika.

Maja pinasalamatan sa pag-alala kay John Lloyd

Hindi magiging problema ni Maja Salvador ang kanyang magiging in-laws kung sakaling ikasal na sila ng boyfriend niyang si Rambo Nuñez dahil mahal siya ng mother at kapatid ng nobyo. Mapapansin na kapag nag-post si Maja sa kanyang Instagram, agad nagla-like ang mom ni Rambo at ang sister nito.

Hindi man sila mag-like sa post ni Maja, mababasa ang mga pangalan nila na nagko-comment. Suportado nila si Maja sa lahat ng gawin nito.

Sabagay, bago pa man ang pagbabalikan nina Maja at Rambo, nagpahayag na ang mom ni Rambo na welcome sa family nila si Maja at siya ang favorite sa mga naging GF ng anak.

But of course, si Rambo ang pinakamasipag mag-like at mag-comment sa bawat post ni Maja. Pinakilig ng dalawa ang followers ni Maja sa IG sa comment nitong “Perfect for me” sa post/comment ni Maja na “Not always feeling perfect with my body but sometimes kailangan lang ng confidence” sa photo nito in a white two-piece.

Samantala, pinasalamatan si Maja ng fans ni John Lloyd Cruz dahil sa birthday greetings nito sa aktor sa birthday nito noong June 24. Konti na lang daw kasi ang nakaalalang bumati sa aktor at isa sa mga ito ay si Maja na kuya ang turing kay John Lloyd.

Mga umaangal sa bill ng kuryente, nagpapatulong kay Richard Yap 

Ang daming naka-relate nang mabasa ang tweet ni Richard Yap tungkol sa mataas nilang Meralco bill. Kasamang pinost ni Richard ang Meralco bill kung saan, nakasulat ang “P55,653.01“ under total amount due.

Tweet ni Richard: “A lot of people have been complaining about their @meralco bill. Instead of billing the average of 3 months they have been multiplying our bill 3x. How did our bill end up this big when we’ve been paying our monthly bills?”

In fairness, sumagot agad ang Meralco sa tweet ni Richard at ang sabi, “Let’s check on that, Richard. Kindly provide thru DM your service Identification Number or Registered Name and Service Address indicated on your electric bill for our reference. We will be waiting.”

Bukod sa maraming naka-relate sa kaso ni Richard na lumobo rin ang Meralco bills, marami rin ang nainggit kay Richard dahil sa mabilis na pagtugon ng Meralco. Marami nga naman sa consumers ang matagal nang nagrereklamo via online or emails, pero hindi sila sinasagot, tapos si Richard, isang tweet lang, mabilis agad na sinagot.

Ang nangyari, nagpapatulong ang consumers ng Meralco kay Richard na iparating sa Meralco ang kanilang problema.

vuukle comment

ANGELIKA DELA CRUZ

MIKA DELA CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with