^

Pang Movies

KC at APL.DE.AP may pa-blackout Tuesday!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
KC at APL.DE.AP may pa-blackout Tuesday!
KC

Parang nag-usap sina Apl.de.Ap and KC Concepcion kahapon sa kanilang IG posts.

Gamit ang black background, inaalala ni KC kung gaano kabait ang black people sa kanya lalo na nang makarating siya sa Uganda. “The black community in the United States is so close to my heart. More than that, in my years as a humanitarian I have spent weeks in the rural areas of Uganda, with the beautiful people Africa who showed me nothing but warmth and kindness. I’m against all forms of discrimination, and racism.
“If 2020 does not teach us all to be KIND, I don’t know what will... Where is the love?  #BlackoutTuesday,” ang buong post ni KC na itinatanggi ang relasyon sa Fil-Am singer kahit sinasabi ng ibang malalapit sa kanila na may something ngang namamagitan sa dalawa.

Wala namang caption ang Blackout Tuesday  post ni Apl.de.Ap pero nagpasalamat siya sa paggamit ng Where Is The Love song na pinasikat ng grupo nilang Black Eyed Peas sa mga nagpoprotestang Amerikano matapos nga ang killing kay George Floyd na pinag-umpisahan ng maraming protesta sa buong Amerika.

“I want to thank everyone for finding this song again in these troubling times. I’m both humbled and saddened that it’s still so relevant. Stay safe. We’ll see you again soon. #WheresTheLove #georgefloyd #BlackLivesMatter.”

Nag-comment sa nasabing post si KC ng “Yo people living like they ain’t got no mommas This song is IMMORTAL,” na feeling ng ibang netizen ay may harutang nagaganap.

Kung sabagay aminado naman si KC sa interview sa kanya na nasasabik siya sa kausap lalo na nga’t almost three months na siyang nag-iisa sa bahay at ang aso lang niyang pomeranian ang kasa-kasama niya.

Inaaya pa nga niyang mag-sleepover sila ni Lovi Poe na na-lockdown na solong buhay din.

Nag-comment kasi siya sa post ni Lovi Poe na “Nope just staying here. Still not going out. #stayhome ♥”

“Same here. Sleepover soon?,” reply ni KC.

Nakipag-kitchen collab din siya kay Judy Ann Santos para sa seafood curry.

So obvious na inaaliw na nga niya ang sarili.

Charo Santos dumaan sa matinding anxiety habang ECQ

Bongga, siguro nga sobrang laki ng budget for Hyun Bin ng Smart?

Ang sipag niyang mag-post or siguro ng management group niya sa social media ng actor?

As in sunud-sunod.

But in all fairness, lumobo rin naman kasi ang followers ng Korean actor sa social media dahil sa mga nasabing post niya. Sumikat nga sa mga Pinoy si Hyun Bin dahil sa Korean drama na Crash Lan­ ding On You.

Anyway, kasama si Madam Charo Santos sa mga tagos ang kilig sa Korean actor. Nag-post pa nga siya ng teaser ng interview nito sa Metro Channel. “Our dear Hyun Bin Thank you @metrodotstyle for making this happen A nice little break from all the anxieties!!!”

Yes, aminado si Madam Charo na sa umpisa ng community quarantine ay inatake siya ng anxieties dahil nga kailangan ng husband niya ng regular treatment eh punung-puno ang mga hospital sa rami ng may covid-19 sa Pilipinas.

Pero nagdasal lang daw siya nang nagdasal at umiyak nang umiyak kaya naging ok siya.

Malaki rin daw ang naging tulong ng mga apo niya para mawala ang nararam­daman niyang anxiety attack during that time.

Naging guest ni Fr. Tito Caluag si Madam Charo sa kanyang programang Journeys of Hope at doon nga nagkuwento si Ms. Charo ng mga pinagdaanan niya ECQ.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with