^

Pang Movies

Teleserye nina Jodi, Iza at Sam, kanselado na!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Teleserye nina Jodi, Iza at Sam, kanselado na!
Jodi at Iza

Naku, Ateng Salve, ‘yung pagre-resume pala ng taping ng Ang Sa Iyo Ay Akin na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Sam Milby at Maricel Soriano ay hindi muna itutuloy.

In-inform na ang lahat ng mga artistang kasama sa series na ‘yon na hindi muna matutuloy ang lock-in taping nila na magsisimula sana on June 8.

Dapat ay sa ABS-CBN backlot/sound stage studios sila magte-taping at nakapag-meeting na sila tungkol doon, pero ‘yon nga, hold muna ‘yon at i-inform na lang daw ang mga artista kung kailan sila matutuloy.

Hindi lang ako sure kung ‘yung ibang series din ng Kapamilya network na kasado na rin ang balik-taping ay on hold din muna.

Dahil kaya sa wala pa ring desisyon ang Kongreso sa franchise renewal nila?

Naku, sana lang magkaroon na talaga ng linaw ang tungkol doon lalo na ngayong marami na ang pumipirma sa petition na ibalik ang ABS-CBN!

Right, Ateng Salve?!

PBB alumna biglang na-reject sa birthday celebration ng actor

Iritable ang isang alumna ng Pinoy Big Brother nang one hour before her guesting sa live Facebook birthday event ng isang aktor na sobrang close siya ay bigla na lang siyang sinabihan na cancelled na ang partisipasyon niya doon.

Naloka siya dahil maaga pa raw siyang gumising at in-advance ang mga gawaing bahay dahil wala nga siyang katulong at wala ring yaya ang mga anak niya.

Nag-ayos na rin daw siya, pero ‘yon nga, kinansela na lang ang beauty niya.

Sa irita nga ni PBB alumna, pinost niya ang pagkadismaya niya sa kanyang Facebook account.

Pero sa simula pa lang ng post ay nag-sorry na siya na magra-rant nga siya.

Eh, kaya lang naman daw siya nag-yes sa FB live guesting na ‘yon dahil sobrang close nga sa kanya ang aktor na may birthday.

Pero wala naman daw kinalaman ang aktor sa pagkakakansela ng last minute sa guesting niya at nang malaman nga raw ni aktor ang tungkol doon ay tumawag pa sa kanya at nag-sorry.

Oo nga pala, wala na sa timeline ni PBB alumna ang tungkol sa post niyang ‘yon, pero hindi naman daw niya dinelete, ini-hide lang daw niya para wala na makapag-comment pa.

Well...

‘Yun na!

vuukle comment

IZA CALZADO

JODI STA. MARIA

SAM MILBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with