^

Pang Movies

Angel lumebel kay Pres. Digong, may death threat din!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Angel lumebel kay Pres. Digong, may death threat din!
Angel

Hindi lang si Presidente Digong, mayroon ding nagbabanta sa buhay ni Angel Locsin at nag-aalok din ng mala-king halaga kung siya ay mapapatay. Huhulihin din ba iyan ng NBI? Nanawagan na si Angel sa NBI, at itinuro na rin niya kung anong social media platform ang ginamit, pati na ang account.

Pero ang hindi namin maintindihan, bakit naman pati si Angel Locsin, ibabayad pa nila para mapatay? Ano ba ang masamang ginawa noong tao sa kanila? O baka naman iyan ay bunga lang ng pagkukulang sa paligo sa panahong ito ng tag-init, o kaya ay pagkaburyong na dahil sa haba ng lockdown. Isipin ninyo pati si Angel pag-iisipan nang ganoon?

Pero ang hinihintay namin ay ang mas nakakatawang response ng mga legal team na sasalo sa taong nagbanta kay Angel kung sakaling mahuhuli. Hindi ba iyong nagbanta raw kay Presidente Digong nag-practice lang ng freedom of speech. Masasabi kayang gumamit lamang ng freedom of speech ang nagbabantang iyan kay Angel?

Tiyak pagka-buryong lang iyan. Kasi sa hitsura ng taong iyan, may kakayahan ba talagang magbayad kung mapapatay nga si Angel?

Tiyak hindi rin naman, pero may kakayahan man o wala, kung talaga mang may masamang balak o buryong lang, masamang gawain ang nagtatangka ka sa buhay ng kapwa mo tao, at hindi dapat kunsintihin iyan.

Franchise ng ABS CBN na-hostage ng mga pulitiko?!

Mukhang matatagalan pa ang problema ng ABS-CBN, at sinasabi nga ng mga insider na kung sakali man daw at makabalik ang ABS-CBN, baka mga bandang Agosto pa.

Iyan ay matapos na bawiin ng kamara ang kanilang inaprubahang bill para sa provisional permit ng ABS-CBN na tatagal sana hanggang Oktubre. Pero ang pag-uusapan na raw nila ngayon ay ang totoong franchise na tatagal nang 25 years kung sakaling makakalusot. Kasi kung hindi, kawawa rin ang ABS-CBN, dahil para silang hostage ng mga pulitiko hanggang sa eleksiyon sa 2022.

Kasabay noon, ibinasura rin naman ng Korte Suprema ang hinihingi nilang TRO. Wala na kasing basis ang TRO dahil expired na nga ang kanilang franchise, kaya ang ginawa ng NTC ay nag-abiso lang sila na “Tumigil na kayo dahil expired na ang franchise ninyo,” kaya ano nga naman ang bibigyan mo ng TRO?

Pero palagay namin, mas maganda ang nangyayaring iyan. Medyo nagtatagal ang kanilang pagbabalik, na ok lang naman dahil mayroon naman silang mga online platform. At kung makakabalik sila, sigurado na sila sa susunod na 25 taon.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with