^

Pang Movies

Minor at senior talents magiging jobless na?!

Gorgy Rula - Pang-masa

Catering bawal na rin sa new normal

MANILA, Philippines — May ilang drama series na kaming nababalitaang inaayos na raw ang pagbabalik nila sa taping.

Medyo mahirap lang ngayon dahil sa ang daming requirements para sa matinding pag-iingat sa pagbabalik-trabaho.

Meron na nga raw na naka-lockdown na raw hanggang sa matapos na ang taping.

Naka-lockdown, as in walang uwian kundi doon na raw sila sa location ti­tira hanggang sa matapos dahil iniiwasan nang magkahawaan sa  COVID-19.

Kahit sabihing Modified Enhanced Community Quarantine tayo, at medyo maluwag na at puwede nang magtrabaho, hindi pa rin talaga safe ang lahat.

Kaya nga marami ang ayaw pa ring lumabas at mas gustong sa bahay na lang muna kung wala namang gagawin sa labas.

Inaayos na raw ngayon sa mga artista ang mga dapat gawin kapag nasa taping na.

May mga panuntunan nang dapat sundin, dahil meron na ring inilabas ang Film Development Council ng Interim Guidelines on Safety Protocols for the Conduct of Film and Audio-Visual Production Shoots to Mitigate COVID-19.

Napakahaba ng guidelines na inihanda nila na kailangan nilang isumite na rin sa Department of Health.

Posible kasi talagang magkahawaan sa taping at shooting dahil magkakalapit at nasa isang workplace lang magkakasama-sama.

Kailangang tiyakin ang kalusugan ng lahat na mga taong involved sa isang film o TV project.

“Increase physical and mental resilience,” sabi doon sa guidelines na isinumite ng FDCP.

Masustansyang pagkain, more fluids, may sapat na tulog ang mga staff at mga artista, at dapat nakakapag-exercise sila.

Kung kinakailangang bigyan nila ng counselling ang mga worker na may isyu o problema sa kanilang mental health.

Mahigpit na ipapatupad ang minimum na 12 working hours, hanggang sa maximum na 16 hours, at may labindalawang oras na pagitan bago bumalik sa trabaho.

Kailangang sundin din ang Health and sanitation measures, gaya ng isolation area at designated workplace ng bawat stages ng produksyon.

May regular temperature na i-check, at kung may temperature na 37.5 dapat sa bahay na lang magtrabaho.

Dapat, lahat ay naka-facial mask sa loob ng workplaces, at iwasan ang pagpapasa-pasa ng script at ibang gamit.

Limampung tao lang ang allowed sa loob ng set kasama na diyan ang mga artista at lahat na staff.

Bawal daw ang mga eksenang may big crowd na magkakadikit ang mga tao.

Sa mga interior shoot, dapat ay isang metro ang distansya ng bawat isa.

Bawal ang beso-beso, yakapan at handshake ng mga taong nandun.

Kapag may mga kukunang intimate scenes na kailangang may halikan o yakapan, i-assure munang negative sa COVID-19 ang artista.

Kung tatanggi raw ang isang artista sa ganung eksena, dapat na igalang daw ito at huwag pilitin.

Ang camera dapat ay dalawang metro ang layo sa on cam performers o mga artista.

Wala na ring buffet na catering sa loob ng set. Kundi naka-pack meal ito at hindi sabay-sabay ang meal break.

May i-assign na production assistant para mag-ayos nitong mga ipinapatupad na guidelines.

Kahit sa mga post-production ay limitado na rin ang mga taong involved at kung puwedeng work from home, ganun na ang gagawin.

Pati nga mga production meeting ay kung puwedeng online o Zoom meeting, ganun na raw ang gagawin.

Dini-discourage na rin ang pagkuha sa mga minor talent, at ganun na rin sa mga senior actor.

Ang dinig nga namin sa ilang production staff, hindi na raw muna sila kukuha ng mga senior stars na malaki talaga ang risk na mahawa ng COVID-19.

Nakahanda na rin naman ang mga artista sa bagong normal na takbo ng trabaho natin, kaya wala na tayong magagawa kundi matuto na tayong mag-adopt sa mga ganitong bagong panuntunan dahil hindi na mababalik sa dating normal nating buhay.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with