^

Pang Movies

Coleen nagkaroon ng depression habang naka-bed rest!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Coleen nagkaroon ng depression habang naka-bed rest!

Nag-bed rest pala ng two weeks si Coleen Garcia matapos siyang magkaroon ng spotting.

Sa kanyang vlog nga kinuwento ni Coleen ang nangyari sa kanya sa second month ng kanyang pagbubuntis.

Ayon sa kanyang kuwento kasama si Billy, nagkaroon siya ng spotting kaya tinawagan niya ang OB Gyne niya at doon nga nalaman na may blood ‘outside the sac’ na ang tawag daw ay ‘subcronic hemmorage of hematoma.’

Dahil doon kinailangan daw niyang mag-bed rest ng two weeks at bumalik naman daw sa normal ang lahat.

Pero umamin siyang sa dalawang linggong ‘yun ay wala siyang ginawa kaya nagkaroon siya ng depression. Puwede lang daw siyang tumayo pag pupunta sa comfort room.

 “Yung overcoming that feeling of depression during those two weeks, was already something that I had a hard time with. By God’s grace we got through that period,” sabi pa niya.

Sa kasalukuyan daw ay healthy na ang baby nila alam na nila ang gender.

Early this month lang umamin sina Coleen at Billy tungkol sa magiging anak nila though marami nang mga kaibigan nila ang nakakaalam dahil may mga event na siyang tinanggihan pero mahigpit ang pakiusap nilang mag-asawa na ‘wag munang ilantad sa publiko at gusto raw muna nilang makasiguro  na nangyari naman.

vuukle comment

COLEEN GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with