^

Pang Movies

Assunta sinigurong nasa safe zone bago inamin ang pagbubuntis

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

So, kumusta na ang work from home beauty mo, Ateng Salve?

Naku, hindi ako magtataka kung after ng ECQ (enhanced community quarantine) ay ma-extend ang pagiging lockdown beauty ng iba dahil like Assunta de Rossi at Coleen Garcia ay buntis na rin sila, huh!

Pero itong sina Assunta at Coleen naman, bago pa man nagka-lockdown dahil sa COVID-19, buntis na naman talaga, pero some friends lang ang pinagsabihan ng misis ni Billy Crawford at ang misis naman ni former Congressman Jules Ledesma, iilan lang kami na pinagkuwentuhan.

Sa tsikahan nga namin ni Assunta, sinabi niya na gusto kasi niyang matapos muna ang first trimester ng kanyang pagbubuntis para nasa safe zone na siya bago niya ia-announce ang tungkol doon.

More than three months na nga naman ang ipinagbubuntis niya, so, puwede na talagang i-announce ‘yon, huh!

Actually, alam mo, Ateng Salve, nang ipakita sa akin ni Assunta ang pictures ng ultrasound ng kanyang ipinagbubuntis, naging emotional ako. Na-happy ako para sa kanila ni Jules dahil noon pa talaga nila gustong mangyari ‘yon.

Finally, magiging mommy na si Assunta (although, parang mga tunay na anak talaga ang turing niya sa dalawang anak ng kanyang mister)!

So, nice!

Alex magya-yaya muna habang walang raket sa showbiz

Isa sa mga nag-congratulate kay Assunta ang sister niyang si Alessandra de Rossi. Sa chat namin kahapon ni Alex (palayaw ng aktres), biniro ko siya, Hello, Pretty Auntie!”

Yes?! How may I help you? Whahahaha!” sagot niya. So, excited ka na? Nag-a-apply akong yaya bilang matagal pang walang work. Whahahaha! Magtatagal pa nga raw kasi ito (effect ng COVID-19 pandemic),” sabi niya.

My gosh, tagal kong kineep ang secret na sinabi ni Sam (palayaw ng kanyang ate) dahil sabi niya, ilan lang tayong nakakaalam,” sabi ko kay Alex.

True! Deh, tsismosa ka pa naman ng taon. Whahahaha!” sagot niya with lots of emojis.

Masaya talagang ka-chat si Alex kapag close ka sa kanya dahil walang katapusang tawanan!

Sabi ko kay Alex, kahit sa ibang mga ka-close ko, wala talaga akong pinagsabihan. Tama! Ako rin, kahit sa pinaka-best friend ko, hindi ko sinabi. Hinintay ko na sa kanya (Sam) manggaling!” sey pa ng aktres.

Of course, sobrang excited na raw si Alex sa pagdating ng kanyang pamangkin.

Actually, ang isisilang ni Assunta ang first pamangkin sa kapatid ni Alex.

‘Yun na!

vuukle comment

ASSUNTA DE ROSSI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with