^

Pang Movies

Pokwang kakasuhan ang mga namemeke sa kanyang account

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Pokwang kakasuhan ang mga namemeke sa kanyang account

Kahapon ay ka-chat ko ang ABS-CBN comedienne na si Pokwang.

Ang napakaraming fake Facebook accounts na nagpe-pretend na siya ang topic ng chat namin.

 May limang fake FB accounts pretending to be her ang ipinadala niya sa akin.

Sabi ko tuloy sa kanya, “Mare, ‘yung Facebook account ba na friends  tayo, ikaw ba talaga? Baka pati ako ay nabiktima ng mga fake na ‘yan?!”

Pero in-assure naman ako ni Pokwang na tamang account ‘yung FB-friend ko.

Sabi ni Pokwang, “Kaloka ‘yung iba, biglang magsara na kuno, pero after one month, babalik ulit. Mga hinayupak na ‘yan.

“Dapat magkaisa na kaming mga artista like Juday (Judy Ann Santos, Marian (Rivera), Kim (Chiu), etc., etc. na mag-file ng case sa mga ‘yan or sa pamunuan mismo ng Facebook!!!

“Bakit nila pinahihintulutan ‘yan! Once actor or actress ang nakalagay sa profile, dapat sulatan kami ng FB kung talaga nga bang kami ‘yon, ‘di ba?

“Nagbabayad sila ng ads sa mga hayop na ‘yan. Pati mga anak nmin na walang muwang, na-exploit NILA!!!” sabi pa ni Pokwang.

“Kasi ‘yung isa, 553k ang followers – ‘yung isang Pokwang! At madaming ads sa bawat video na ninakaw sa YouTube channel namin, so, meaning, kumikita na siya ng halos 1M na sa isang buwan!

“Mas marami pa siya views and followers sa legit!” pahayag pa ni Pokwang.

‘Kaloka nga naman talaga, huh!

Eric hindi makatiis sa loob ng bahay dahil sa ‘sakit’

Naka-chat ko rin ang Kapamilya comedian naman na si Eric Nicolas.

Lumalabas pa rin pala siya ng bahay, pero limited daw.

Bale siya raw kasi ang naggo-grocery para sa kanyang pamilya. “Malapit lang naman ‘yung pinupuntahan ko na grocery. Claustrophobic ako, kaya lumalabas ako para mamili,” sabi niya.

Claustrophobic pala siya, so, hindi siya nakakasakay ng elevator?  “Hindi ako nag-e-elevator talaga,” sabi niya.

Paano kapag sobrang taas ng floor sa isang building na pupuntahan niya?

“Ayoko no’n. Umiiwas ako sa ganoon,” sabi pa ng comedian.

Busy siya sa pag-aasikaso sa mga pananim niyang gulay sa bakuran nila nang makatsikahan ko.

Noon pa raw siya nagtatanim ng mga gulay, kaya napapakinabangan nila ‘yon ngayong lockdown pa rin dahil sa coronavirus pandemic.

‘Yun na!

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with