Judy Ann at Ryan nakapagpa-graduate na ng anak sa bahay!
Kahit sa bahay lang, naka-pang moving up outfit ang youngest daughter nina Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo na si Luna. At may ginawa rin silang banner na ‘Moving Up Day’.
Kung walang lockdown, big deal sana sa mag-anak ang nasabing event. Pero since may enhanced community quarantine dahil sa covid-19, hindi puwede ang moving up day o kahit graduation sa lahat ng level ng eskuwelahan.
“Celebrated luna’s “quarantined” moving up day with her teachers and classmates today.. congratulations our bunny! May graduate na uli kami!” sa kanilang virtual ceremonies.
Sinabi ng Department of Education (DepEd) na habang may threat ang coronavirus disease sa bansa, hindi puwede ang graduation rites.
Ito ay ayon mismo kay Education Secretary Leonor Briones last week na isang covid-survivor.
Dinagsa naman ng congratulatory messages si Luna.
- Latest