^

Pang Movies

Negosyo ni Glaiza nadale rin ng virus

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sa kanilang vacation house sa Baler, Aurora nag-quarantine si Glaiza de Castro kasama ang kanyang buong pamilya.

Inisip daw kasi ni Glaiza ang kanyang mga magulang na mas makaka-relax sa probinsya kesa nasa Metro Manila sila.

Dahil isang buwan na walang work, nagtutulungan daw silang lahat sa bahay. May pinost nga si Glaiza na video sa Instagram na nagwawalis siya ng mga dahon sa kanilang bakuran. Isang bagay na matagal niyang hindi nagagawa dahil sa hectic schedules niya.

“Lahat kami rito kumikilos. Si nanay ang nagluluto, si tatay ang nagdidilig ng halaman. Kami namang magkakapatid, tulung-tulong kaming maglinis at maghanda ng pagkain din.

“At siyempre, hindi puwedeng walang exercise. May sarili akong space dito para sa workout ko. Para ready pa rin ako physically kapag nag-resume kami ng taping for Seed Of Love.”

Kinuwento rin ni Glaiza na apektado rin daw ang mga resorts sa Baler nang dahil sa COVID-19.

“’Yung mga resort dito, accomodations, restaurants, lahat sila nagsarado. Lahat po talaga affected. Mas nakakatakot kapag hindi mo sinunod ‘yung dapat mong gawin.

“Medyo nakaka-praning lagi kasi kailangan mo talagang maghugas ng kamay. I think better to wash your hands rather than just sanitizing,” saad pa ni Glaiza.

Kinatuwa naman ni Glaiza na marami ang sumuporta sa muling pagpapa­labas ng Encantadia nila nina Gabbi Garcia, Kylie Padilla at Sanya Lopez.

vuukle comment

GLAIZA DE CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with