^

Pang Movies

Coco naging abala muna sa pagga-garden

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Coco naging abala muna sa pagga-garden

Dahil sa enhanced community quarantine, maraming artista natin ngayon ang nagiging productive sa kanilang mga tahanan.

Tulad na lang ni KC Concepcion na nagagawa nang magdilig ng halaman sa kanyang maliit na garden; si Coco Martin ay abala sa kanyang vegetable garden sa bakuran ng kanyang bahay; si Vice Ganda ay nagawa nang mamitas ng mga mangga na dumadungaw sa pader ng kanyang bahay; at si Judy Ann Santos ay maraming ng panahon para maging tutor sa kanyang tatlong anak.

Yung iba naman ay workout sa bahay ang ginagawa para physically fit pa rin sila pagkatapos ng quarantine. Si Kim Chiu ay may app na nagtuturo sa kanya ng zumba; si Kristoffer Martin ay gamit ang dalawang malalaking container ng mineral water bilang barbels; si Rodjun Cruz ay may sariling mini-gym sa bahay; at si Solenn Heussaff ay sa likod ng kanilang coach na nagpi-pilates.

Samantalang ang iba ay may sariling oras para mag-reflect at ipagdasal ang mga nangyayari ngayon tulad nang ginagawa ni Ken Chan, Rita Daniela at ng mag-asawang Juancho Trivino at Joyce Pring and Joyce Ching at Kevin Alimon.

Tom at misis nakaka-recover na

Magandang balita ang dala ng Hollywood actor na si Tom Hanks sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Slowy but surely na nakaka-recover na siya at ang kanyang misis na si Rita Wilson sa virus na nakuha nila habang nasa Australia sila.

Sa Pilipinas, ang aktor na si Christopher de Leon pa lang ang nag-positive sa COVID-19. Pero may balitang baka infected din ng virus si Marvin Agustin at isang hindi pinapangalanan na TV drama director.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with