^

Pang Movies

Aktor na nilagnat habang nasa pictorial, pinag-quarantine lahat nang nakasama

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Dahil nagka-fever ang isang aktor na kasama sa isang bagong series ng isang top TV network (hindi pa nagsimulang mag-air), sinabihan ang mga nakasama niya sa pictorial na mag-self quarantine.

Although nag-negative naman si aktor sa COVID-19 test, importante pa rin daw na mag-self quarantine ang mga nakasama niya sa pictorial ng kanilang series.

Eh, ‘yung isang kasama doon, thankful na mas maaga siyang nag-pictorial at nakaalis na raw siya bago dumating ang aktor na nagka-fever, kaya hindi na siya nag-self quarantine.

Eh, ngayong may pinatutupad na Luzon-wide enhanced community quarantine, mas gusto raw niya na kasama ang kanyang pamilya, kaya thankful nga siya na hindi niya nakasalamuha sa pictorial si aktor na nagka-fever, or else, magwo-worry siya at kailangang mag-self quarantine at walang makakasama sana.

Ang hirap din naman kasing mag-isa, huh!

Anyway, katulad ng palagi naming paalala, keep safe everyone, lalo na ikaw, Ateng Salve at kahit hindi ka lumalabas, still, busy ka sa pag-e-edit ng PangMasa at Pilipino Star Ngayon, huh!

‘Yun na! (Ikaw din teh. Take care always. - Salve A.)

Sarah teacher muna ang peg sa mga anak

Walang ganap ngayon sa showbiz dahil na rin sa pinatutupad na Luzon-wide enhanced community quarantine kauganay sa lumalalang problema sa COVID-19.

Ang mag-asawang Richard at Sarah (Lahbati) Gutierrez, nasa bahay lang kasama ang mga anak na sina Zion at Kai.

Kahapon sa pamamagitan ng WhatsApp ay ka-chat ko si Sarah.

Nangumusta ako sa kanila.

“At home lang, teaching Zion. Home schooling him,” sabi niya.

So, kahit walang school si Zion, may oras na inilalaan si Sarah para mag-aral ang anak at siya nga ang “teacher” sa bahay ng kanyang panganay.

After Zion naman, nakikipaglaro naman si Sarah sa bunsong si Kai.

“Playing with him,” sabi niya nang kumustahin ko naman si Kai.

Nakakaaliw nga pala ang wish ng karamihan sa mga um-attend sa intimate wedding reception nina Richard at Sarah pagkatapos ng kanilang intimate civil wedding.

Sabi kasi ng mga nakausap ko sa Samba (restaurant sa The Shangri-La The Fort sa Bonifacio Global City, Taguig City na venue ng intimate wedding reception), magparami pa raw ng mga anak ang mag-asawa.

 Sabi naman nila, depende kung ano ang itatadhana ng Maykapal.

Pero ngayong nasa bahay lang sila, hindi kaya masundan na nga si Kai?

Sa March 21 ay two years old na ang kanilang bunso at sa April 29 naman ay seven years old na ang kanilang panganay.

Well…

vuukle comment

SARAH LAHBATI GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with