^

Pang Movies

Napangasawa ni Makisig, sobrang ganda!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Napangasawa ni Makisig, sobrang ganda!

How time flies, Salve A.!

Remember Makisig Morales, ang young singer dati na nakasali sa singing contest na Little Big Star?

Dahil maganda ang kanyang boses, naging lead singer siya ng noo’y kilalang banda na Mak And Dudes. This was in his teenage years na.

Then ibinigay sa kanya ang seryeng Super Inggo na na-nominate sa International Emmy.

Nasa rurok ng kanyang career noon si Makisig nang magdesisyon ang kanyang pamilyang subukan ang suwerte sa Australia, kaya dun na rin sila nagdalaga at nagbinata ng kanyang mga kapatid na si Mayumi, Maliksi at Marikit.

Taong 2018 nang bumalik si Makisig sa Pilipinas para ituloy ang kanyang showbiz career.

Napasama siya sa casts ng seryeng Bagani nina Liza Soberano at Enrique Gil, plus Matteo Guidicelli at Zaijian Jaranilla.

Bumalik siya sa Australia pagkatapos ng Bagani at 2019 ay pinakasalan niya na ang kanyang Filipino-Australian girlfriend na si Nicole Joson.

Ang dalawa ay guests kamakailan lang sa Magandang Buhay nina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Sana ay napanood mo sila Salve, nakita mo sana sa sarili mo na maganda ngang talaga si Nicole.

Samantala, hindi naman natanong kina Makisig kung nagbabakasyon lang ba sila rito sa Pilipinas or for good na.

Kinalimutan na ang JoshLia, Julia magpapaka-mature na!

With her portrayal of two controversial roles sa malapit nang ipalabas sa iWant, ang I Am U ni Julia Barretto, she says na this is just the beginning ng kanyang “pagbabagong-bihis” as an actress.

Yes, she will now focused sa pag-play ng mature roles, which she considers more challenging.

Sa I Am U na idinirek ni Dweine Baltazar at sa ilalim ng Dreamscape Entertainment and The IdeaFirst Company, owned by Direk Perci Intalan and Jun Lana, maituturing na ultra mature ang roles na gagampanan ni Julia.

Dalawang mukha ang kanyang ginagampanan, sina Rose at Elise na magkamukhang-magkamukha, ngunit magkasalungat ang mga buhay, si Rose ay laki sa hirap habang si Elise naman ay laki sa layaw.

Nang makilala ni Elise si Rose, naging malapit ito sa kanya. Natuwa siya rito, to the point na halos inangkin na rin ni Rose ang pagkatao ni Elise. But then, something happened na magiging dahilan kung bakit gusto ni Elise na mawala na si Rose.

Puro intimate scenes ang meron sina Tony Labrusca at Julia, dahilan kaya meron na uli silang kasunod na project.

Samantala, tinanong namin kay Julia kung wala na ba talaga ang JoshLia, ang sagot lang niya ay “yes.”

Janella at Markus nagkakasira na dahil kay Joshua?!

Of Joshua, muli na naman silang pagtatambalin ni Janella Salvador na kanyang naging leading lady sa The Killer Bride. Mapapanood silang muli sa isang episode bukas ng Maalala Mo Kaya (MMK).

Samantala, bagama’t may intimate scenes, mas grabe raw ang love scenes nina Julia at Tony kumpara sa kanila ni Joshua.

Of Janella, balitang may away daw sila ng rumored boyfriend niyang si Markus Paterson.

Dahil kaya ito kay Joshua?

vuukle comment

MAKISIG MORALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with