^

Pang Movies

Marian malaking pamilya ang pangarap

Vir Gonzales - Pang-masa
Marian malaking pamilya ang pangarap
Marian

Lumaking mag-isa

MANILA, Philippines — Hindi nakakapagtaka kung sakali mang magkasunud-sunod ang kagustuhang magkaroon ng maraming babies sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, nag-iisang anak lang si Marian at naranasan niya kung gaano kalungkot ang walang kapatid at makakasama sa buhay. Pangarap ni Ma­rian na magkaroon ng isang maligayang pamilya.

Coney pansin na pansin ang pang-aapi!

Agaw-eksena si Coney Reyes sa kanyang role bilang nanay ni Tom Rodriguez sa ser­yeng Love Of My Life. Parang nakakalimutan niyang may asawa ito, na ginagampanan naman ni Carla Abellana, na higit na may karapatan sa pagmamahal ng asawa.

Nakakapanibago ang pagiging kontrabida ni Coney. Hindi siya tulad ng ibang artistang gumaganap na kontrabida na tili nang tili at nangangalaiti sa galit.

May komento nga na tingnan ka lang daw ni Coney ay parang hinuhusgahan ka na niya. 

Magandang kombinasyon ng mga artistang involved sa serye sina Carla, Rhian Ramos at Mikael Daez.

May mga nakakapuna lang na para raw naka-wig si Mikael sa sobrang kapal ng hair para raw hinahabol siya ng suklay.

Audience sa Wowowin dedma sa virus!

Nakakaaliw namang manood ng Wowowin, mistulang walang mga problema ang mga nanonood sa studio, wala silang pakialam sa araw-araw na pagbabalita ng mga announcer sa radyo at telebisyon tungkol sa coronavirus. 

Sa studio ng Wowowin, bihira raw na may gu­magamit ng face mask dahil katwiran nila baka mapagkamalan pa silang holdaper na nakapasok sa studio.

Puro pagbati at paghanga kay Willie Revillame ang naririnig dahil sa pagbibigay ng break sa mga talented filipino na hindi nabibigyan ng pagkakataon.

Maligayang kaarawan…

Birthday greetings sa mga pinanganak ngayong buwan: Rhene Imperial, Joy Sumilang, Dennis Roldan, Jonas Vertudaso, Anne Curtis, Maricel Soriano, Rj Martinez, DENR Usec. Benny Antiporda, Flor Buquirin, Puring Lao at Nyoy Volante.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with