^

Pang Movies

Robin napagsabihan ni Mariel sa panlalaglag sa Kapamilya

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Robin napagsabihan ni Mariel sa panlalaglag sa Kapamilya
Robin

May sagot si Robin Padilla sa comment na nilaglag niya ang ABS-CBN sa post niya sa Facebook na “Sana manaig ang batas.”

 Sa Instagram (IG) na-post nito ang “No man is above the law and no man is below it.” Nabanggit din ni Robin na walang dapat kilingan ang batas, mayaman man o mahirap.

Kaya lang, hindi na mababasa sa IG ni Robin ang kanyang post at ang sabi, may nagpayo kay Robin na i-delete ito.

Sa kanyang FB kahapon, may post uli si Robin at sabi: “God is great!!! Sabi daw ng netizens nilaglag ko daw ang network ko wow! Mga kababayan kahit na sino kahit kaibigan ko kapatid ko kapamilya ko at kamag anak ko kapag lumabag ka sa batas dapat kang magbayad sa batas dahil ako nagbayad ako ng tatlong taon sa loob ng Kulungan/Piitan/Bilibid dahil nagbayad ako sa kasalanan ko. Ano bang kinatatakot natin para sa ABSCBN? May pagkakasala ba talaga sila sa batas? Ako ay may tiwala sa BATAS dahil naranasan ko ang talim at lambing ng BATAS sa buhay ko kaya ko sinasabi na dapat umiral ang BATAS dahil ang batas ang proteksyon ng lahat ng Pilipino mayaman man o mahirap no one is above the law and under it kaya kung wala silang kasalanan it will be their glory and pride so let them fight it in our courts Let the truth prevail wag tayong maging spoiler parang teleserye lang yan na pinanonood niyo abangan niyo ang mga revelation ayaw niyo ba malaman ang katotohanan?

“Inalis ko na rin ang mga posts ko kahapon sa instagram at fb about the legal issue of ABSCBN not the franchise issue bilang respeto ko sa asawa ko na si Mariel she said to me im a kapamilya forever at sinabihan din ako ni kuya Ipe Salvador na magrelax at tumahimik dahil walang alam si mayor PRRD sa hakbang ng solgen kaya balik na lang ako sa aking journey towards spirituality. Peace be with you all may the wisdom and blessings of our only God be with those who are neglected weak and poor in shaa Allah.”

Jane at RK sinagot ang relasyon

Natawa at itinanggi nina Jane Oineza at RK Bagatsing sa mediacon ng Regal Entertainment movie na Us Again na nagkaroon sila ng relasyon at mag-“ex” ang status nila ngayon. Friends at co-workers lang sila, but they hang out minsan, kaya siguro inisip na naging sila at nag-break lang.

Kaya rin siguro inisip na naging sila at ex-couple lang dahil wala silang ilangan sa mga ginagawa nilang kissing scenes at love scenes na meron sa Us Again. Thankful si Jane kay RK dahil gentleman at marunong mag-alaga ng kapareha sa mga ganu’ng eksena. Kaya nagagawa nila ng maayos ang maseselang eksena na hindi sila nagkaka-ilangan.

Showing sa February 26, ang Us Again  sa direction ni Joy A. Aquino at sa pelikulang ito, hindi nakakagulat kung ikukumpara sina RK at Jane kina Bela Padilla at JC Santos. Sina JC at Bela ang kilalang “hugot movie” tandem at malilinya sa liga nila sina RK at Jane.

‘Di nakatiis, Lovi pinuntahan bumiyahe para sa dyowa

Hindi nakatiis si Lovi Poe, lumipad pa rin siya pa-Los Angeles to be with her boyfriend Montgomery Blencowe sa birthday niya last February 11 at para magkasama sila sa Valentine’s Day sa Feb. 14.

Sa kanyang Instagram (IG), may photos na pinost si Lovi na nasa L.A. na siya at namamasyal. Inaabangan namin ang post niya ng photos nila ng kanyang BF, pero mukhang hindi pa siya sinisipag mag-post.

May time pa naman si Lovi to promote her Viva Films movie na Hindi Tayo Puwede dahil sa March 4, pa ang showing. Sina Tony Labrusca at Marco Gumabao ang leading men ni Lovi rito at si Joel Lamangan ang director.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with