^

Pang Movies

Kyline ingat na ingat kay Nora

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Kyline ingat na ingat kay Nora
Kyline

Maingat ang young actress na si Kyline Alcantara sa pagganap ng kanyang mga eksena sa bago niyang GMA Afternoon Prime na Bilangin ang Bituin sa Langit na TV adaptation ng 1989 box-office hit movie ng nina Nora Aunor at Tirso Cruz III mula sa Regal Films.

Sa TV adaptation magkakasama-sama si superstar Nora, Mylene Dizon at si Kyline. Kaya no wonder na maingat siya, hindi lamang dahil sa mga kasama niya kung hindi dahil ang director nila ay si Ms. Laurice Guillen.

“Mas kinakabahan po ako ngayon na nagti-taping na kami,” sabi ni Kyline. “Noon pong storycon namin dinaga na ang dibdib ko, mas lalo po ngayon na kaeksena ko na ang mga hinahanggaan kong artista na first time kong makakasama.”

Kumusta naman ang first time niyang maging director si Ms. Laurice Guillen?

“Excited po ako laging mag-taping.  Alam ko pong marami akong matututunan sa kanya. Kaya pagbubutihin ko po dahil takot akong masigawan at mapagalitan sa set.”

Bukod kina Nora at Mylene, makakatambal ni Kyline for the first time si Yasser Marta at happy ang fans ng dalawa dahil bagay at may chemistry sila. Nakatakda na itong mapanood simula sa February 24, kapalit ng romantic-drama na Madrasta.

Derek sinorpresa ng pusa si Andrea!

Sa Friday pa ang February 14, Valentine’s Day, pero pinaiyak na ni Kapuso hunk actor Derek Ramsay ang girlfriend na si Andrea Torres last Monday, February 10. Posted ni Derek sa kanyang Instagram account na umiiyak si Ada (as he fondly call Andrea) habang yakap nito ang isang pusa. “I hope you liked my surprise for you today @andreatorres. See how I made this girl cry in our next episode coming soon. Advanced Valentine’s surprise on #andrekvlogs #revenge.”

Sana raw ay lumabas na agad ang bagong #andrekvlogs ng dalawa para malaman nila kung ano ang revenge.

Inamin nina Derek at Andrea ang relasyon nila, pagkatapos ng romantic-drama series nilang The Better Woman. Pinaghahandaan nila ngayon ang susunod nilang teleserye sa GMA Network, isang romantic-action-drama titled Sanggang-Dikit.

vuukle comment

KYLINE ALCANTARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with