^

Pang Movies

Movie nina Coco at Angelica, hindi makakaabot sa Valentine

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Movie nina Coco at Angelica, hindi makakaabot sa Valentine

Dahil sa pagiging pandemic ng sakit na novel coronavirus (nCoV), naapektuhan ang dapat na shooting ng movie nila Coco Martin at Angelica Panganiban na Love Or Money sa ilalim ng Star Cinema.

Sa bansang Dubai sana magaganap ang shooting ng Love Or Money sa ilalim ng direksyon ni Mae Cruz-Alviar. Pero dahil sa inilabas na travel ban, on-hold muna ang shooting ng romantic-comedy movie na unang pagsasamahan sana nila Coco at Angelica.

Noong maganap ang story confe­rence ng Love Or Money noong December 2019, naka-set na ipalabas sana ang movie for Valentines Day - February 2020. 

Nagbiro pa noon si Angelica na siya lang daw ang makakapatigil ng taping ng top-rating primetime series ni Coco na FPJ’s Ang Probinsyano dahil magsu-shooting sila for Love Or Money.

“Stop muna yung Probinsyano, ako lang yung nakapagpatigil! Wait lang daw muna, ha. Wait lang,” natatawang sinabi pa ni Angelica sa story conference.

Sagot naman ni Coco na maayos na raw ang kanyang schedule para ma-accommodate niya ang shooting schedule nila ni Angelica.

“Actually maayos naman yung schedule. Sanay din naman ako na habang nagpo-Probinsyano, nakakagawa ng pelikula. Pinaghahandaan kasi talaga namin ito. Ang wish namin mahabol talaga for Valentine’s.”

Kinabahan nga raw si Coco sa unang tambalan nila ni Angelica.

“Kinakabahan kasi bagong kombinasyon and definitely, yung project, ibang-iba sa Probinsyano, e. Ngayon, siyempre, nae-excite ako dahil babalik ako sa drama, at the same time, si Angge, napakahusay na artista sa drama and comedy kaya nakaka-pressure para sa akin.”

Na-excite din daw si Ange­lica dahil nakatrabaho na niya si Coco noong mag-guest siya sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Shannen Doherty bumalik ang cancer stage 4 na

Maraming Beverly Hills 90210 fans ang muling nalungkot dahil sa naging balita ni Shannen Doherty na bumalik ang sakit niyang cancer.

Five years in remission si Shannen sa kanyang sakit na breast cancer. Pero muli raw itong bumalik at stage 4 na ito.

Umiyak ang 48-year old actress sa Good Morning America nang i-reveal niya na muli siyang nakikipaglaban sa kanyang sakit.

“It’s going to come out in a matter of days or week that I am stage four, my cancer came back and that’s why I am here. I don’t think that I’ve processed it. It’s a bitter pill to swallow in a lot of ways.

“I definitely have days where I say, ‘Why me?’ And then I go, ‘Well, why not me? Who else besides me deserves this?’ None of us do.

Nakilala si Shannen dahil sa role niya as Brenda Walsh, ang bad girl sa hit teen series noong ‘90s na Beverly Hills 90210 kung saan ang co-star na si Luke Perry ay pumanaw last year.

Pero hindi raw magpapatalo si Shannen sa kanyang sakit. “Like, you know, our life doesn’t end the minute we get that diagnosis. We still have some living to do,” diin pa niya.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with