^

Pang Movies

Kesa mag-live in James at Michela naging mas effective sa co-parenting sa 2 anak!

Gorgy Rula - Pang-masa
Kesa mag-live in James at Michela naging mas effective sa co-parenting sa 2 anak!

MANILA, Philippines — Mga mid of last year pa pinag-uusapan ang kuwentong hiwalay na raw sina James Yap at ang partner niyang si Michela Cazzola.

Hindi sinagot ng kilalang basketbolista ang isyung yan, pero ilan sa mga taong malapit sa kanila ay nagsasabing hiwalay na nga sila.

Pero nakikita pa ring magkasama sila sa ilang posts nila sa kanilang Instagram account.

Ang sabi, parang co-parenting na lang daw sila sa kanilang dalawang anak. Pero nagkakanya-kanya na raw talaga sila.

Kapansin-pansin ngang mag-isa lang si James na nagbakasyon sa Amerika nung nakaraang Pasko. May sariling lakad din si Michela kasama ang dalawa nilang anak.

Mahirap nang pag-usapan ang dahilan ng hiwalayan dahil pareho naman silang tahimik at iniiwasan nila itong pag-usapan.

Pero positibo ang ilang mga close friends ni James na magkakaayos din ang dalawa at magkabalikan.

Nakikita raw kasi nila kay James na gusto raw talaga nito ng tahimik at kumpletong pamilya, lalo na’t may dalawa na silang anak.

Mark touching ang mensahe sa pumanaw na ama

Ramdam naming parang napilayan si Mark Bautista sa pagpanaw ng kanyang ama.

Ilang taon nang nakaraan nang kailangang umuwi ni Mark sa Cagayan de Oro para bantayan ang kanyang ama nang ma-hospital ito.

Pagdating sa pamilya, apektado ang magaling na singer kaya malaking dagok itong nangyari sa kanilang pamilya.

Mahaba ang post ni Mark sa kanyang Instagram account na kung saan isina­laysay niya ang nangyari nang pumanaw ang kanyang ama nung January 23.

Kahapon ay touching ang ipinost niya uli na kuha sa burol nito na kung saan wedding anniversary pala ng kanyang magulang.

Gusto raw ng Mommy niya na i-celebrate ito habang nandiyan pa ang mga labi ng kanyang ama, dahil next year mag-isa na lang daw niya itong ise-celebrate.

Kaya siya na lang ang nag-proxy sa kanyang Daddy na sumayaw sa kanyang Mommy habang kumakanta ang kapatid niya ng Dance with my Father.

Kaya tiyak na hindi mapigilan ni Mark na maging emotional sa concert nilang 1 for 3 kasama sina Christian Bautista at Aicelle Santos sa February 1.

Kakayanin kaya ni Mark na kantahin itong Dance with my Father sa nalalapit nilang concert na gaga­napin sa The Theatre at Solaire? 

vuukle comment

JAMES YAP

MICHELA CAZZOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with