Casts ng DOTS dinumog sa Sinulog!
MANILA, Philippines — Inabangan, tinilian, at talaga namang mainit na tinanggap ng mga Cebuano ang cast ng Philippine adaptation ng Descendants of the Sun nitong weekend sa Sinulog Festival.
Pinangunahan mismo ni Big Boss Dingdong Dantes at Dra. Beauty Jennylyn Mercado ang Kapuso Mall Show sa Gaisano Island Mall sa Mactan at Kapuso Fiesta sa Robinsons Galleria Cebu noong Sabado (January 18).
Present din si Rocco Nacino at iba pang cast ng DOTS ph na sina Lucho Ayala, Jon Lucas, Paul Salas, Prince Clemente, Andre Paras, Hailey Mendes, and Chariz Solomon.
Hindi naman binigo ng mga Kapuso star ang kanilang tagahanga dahil kahit delayed ang flight nila mula Manila ay game na game pa rin silang sumalang sa stage at nagpasaya ng mga manonood.
Hindi pa roon nagtapos ang special treat ng DOTS ph dahil kinabukasan (January 19), maaga silang pumwesto para sumakay sa Kapuso Float bilang bahagi ng partisipasyon ng GMA Network sa Sinulog Parade courtesy of GMA Regional TV. Masuwerte ang mga Cebuano kasi first-ever public appearance ito ng DOTS ph casts na in-full character bilang mga sundalo at medical team.
Pagdaan pa nga lang ng coaster ng cast, nagkagulo na ang mga tao. At nang sumampa na sina Dong at Jen and the rest of the stars sa float, hindi magkamayaw ang tilian.
- Latest