^

Pang Movies

Crisha Uy idinaan sa vlog ang pang-iiwan sa kanya ni Joem!

Gorgy Rula - Pang-masa
Crisha Uy idinaan sa vlog ang pang-iiwan sa kanya ni Joem!
Crisha

MANILA, Philippines — Meron palang vlog ang ex-girlfriend ni Joem Bascon na si Crisha Uy, na lalong dumami ang subscribers dahil sa in-upload niyang break up story nila ni Joem Bascon.

Hindi ko ma-gets kung bakit kailangang ipakita sa publiko ang pag-iiyak niya sa kanyang vlog pagkatapos nilang maghiwalay ng aktor.

First week ng December siya nag-attempt mag-vlog pero iyak lang siya nang iyak.

Limang attempts ito na wala siyang nasabi kundi umiiyak lang ito.

Ang sabi lang niya habang lumuluha; “Ang hirap hirap mag-vlog. Hindi ko kaya mag-vlog.”

Three months daw siyang hindi nakapag-gym, at 10 pounds na raw ang nawala sa kanya.

Kaya kailangan na raw niyang bumalik sa gym para magdagdag na ng timbang.

Kaya raw siya nagsalita tungkol sa hiwalayan nila ni Joem para magsilbing leksyon din daw ito sa ibang kababaihang dumaan sa ganung karanasan.

Pagpasok ng 2020, sinikap na niyang maging okay at muli siyang nagsalita sa kanyang vlog.

Bahagi ng mahaba niyang pahayag; “Hindi madali for me to share my break-up story. Hindi para kumuha ng atensyon o magpaawa. Kasi, I’m here to inspire people.

“I’ve been receiving a lot of messages how to move on. Kung paano magawa na maging positive sa buhay.”

Doon inilahad ni Crisha na si Joem ang nakipaghiwalay sa kanya.

“Normal lang maghiwalay. Normal lang masaktan. Pero siyempre, it was really a learning process for me.

“Hindi siya madali. Kahit hindi madali, kaya mong gawin,” napapaluha na niyang pahayag.

“It’s okay to cry. Kasi if you let it out mas gumaan ang pakiramdam nyo.

“It doesn’t mean if you gonna cry, hindi ka na strong.

“Crying is a part of the healing process,” sabi pa niya.

Hindi na niya idinetalye kung bakit nakipag-break si Joem sa kanya.

Ayaw na rin daw niyang magsalita pa kung meron na bang ipinalit ang aktor sa kanya.

Ang masasabi lang daw niya ay wala naman daw siyang pagsisi sa walong taong relasyon nilang dalawa.

Masakit man daw isipin pero na-fall out of love na nga raw si Joem sa kanya.

“Ayokong makasa­kit ng tao, just because I’m emotional. So, better to keep quiet.

“Hindi ko na-regret na naging kami. Hindi ko na-regret yung 8 years namin kasi mahal ko naman siya.

“Mahirap sabihin, pero wala na kayong magagawa. He fell out of love. Ayoko namang pilitin yung taong hindi na ako mahal.

“I don’t want to blame myself kasi wala na tayong magagawa. Uncontrollable na yun,” madamdamin niyang pahayag.

Wala siyang binanggit na pangalan.

Hindi niya kinumpirma kung si Meryll Soriano ba ang babaeng ipinalit sa kanya.

“Kung may minahal siya pagkatapos, it’s not my business anymore. Dun lang ako sa parte ng buhay niya na involved ako.

“May mga concerned sa akin, yung mga nagmi-message sa akin nagsi-send ng photos na may kasama siyang iba, it’s not my concern anymore,” pakli niya.

Maaring darating ang araw na magmahal na naman daw siya ulit, at may natutunan daw siya sa karanasang ito.

“Yung natutunan ko sa journey na ito, is I have to love myself.

“If magmahal man ako ulit, I will never forget to love myself. Hindi mo dapat binibigay yung buo mo sa isang tao, kailangan mo talaga magtira,” seryoso niyang pahayag.

Nagpasalamat na rin si Crisha sa lahat na concern sa kanya, pati sa mga subscribers niyang umabot na raw ng 352 thousand subscribers.

vuukle comment

CRISHA UY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with