^

Pang Movies

Sylvia laging may oras sa mga anak

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Sylvia laging may oras sa mga anak

Ang suwerte-suwerte ng mga anak ni Sylvia Sanchez dahil kahit busy ito sa mga trabaho niya bilang artista, may panahon siya sa pagiging mother and wife.

May oras si Sylvia para  asikasuhin ang pagluluto at pag-aayos sa kanyang mga anak kaya naman domesticated ang dating niya.

Kahit artista si Sylvia, very nanay siya dahil hands on siya sa pag-aalaga maging sa kanyang grown up children na sina Arjo at Ria.

Nagagawa pa rin ni Sylvia na magnegosyo at balitang-balita na malakas ang sariling branch niya ng Beautederm.

Tatlo na ang branch ng Beautederm na pag-aari ni Sylvia na hindi nakapagtataka na naging mayaman dahil sa kanyang sipag at tiyaga.

Isa si Sylvia sa magandang example ng tao na magtatagumpay basta mabuti ang ugali at marunong makisama sa kapwa. I salute you Sylvia na hindi lang bonggang asawa at nanay dahil professional din siya na artista.

Janine napansin sa kanta ni Wency

Si Janine Tenoso pala ang kumanta ng Tag-araw, ang theme song ng Miracle in Cell No. 7 na malakas ang last song syndrome.

Kasabay ng pagiging blockbuster ng pelikula ni Aga Muhlach ang pagsikat ng kanta ni Janine na original song ni Wency Cornejo noong member pa ito ng After Image band.

Si Wency ang anak ng multi-awarded broadcaster na si Mel Tiangco. I’m sure, proud si Wency dahil bahagi siya ng big success ng Miracle in Cell No.7

Siyempre, hindi na alam ng mga kabataan ngayon na lumang kanta ang Tag-araw na pinasikat ni Wency at ng banda nito noong 1996.

Para sa mga bagets na curious na mapakinggan ang version ni Wency, mapapanood ito sa YouTube.

Bela hindi napapahinga

Ang suwerte ni Bela Padilla dahil hindi rin siya nawawalan ng mga movie project sa Viva Films.

Pagkatapos mapanood sa Miracle in Cell No.7, starring si Bela sa On Vodka, Beers and Regrets, ang pelikula nila ni JC Santos na pre-Valentine presentation ng Viva Films.

Si Bela rin ang bida sa Spellbound at leading man niya si Marco Gumabao na hindi rin nababakante dahil starring naman sa horror movie na Rooftop ni Yam Laranas at sa adult drama na In Between Goodbyes ni Joel Lamangan.

Mababait na contract stars sina Bela at Marco kaya nabibigyan sila ng mga bonggang project. Hindi sila katulad ng ibang mga artista na nagkaroon lang ng isang hit movie, feeling superstars at wagas kung makapag-demand.

Sa tagal ko sa showbiz, marami na akong nakita na mga artista na sumikat nang todo, lumaki ang ulo, naging ilusyonada at ang ending, nag-babu ang career.

Gustuhin man nila na bumalik ang dating ningning ng kanilang mga showbiz career, wala na silang magawa dahil mismong ang fans ang umayaw nang mabuking ang masasamang ugali nila.

vuukle comment

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with