^

Pang Movies

Ellen nanggulat, babalik na sa showbiz?!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Ikinagulat ng marami ang bagong post ni Ellen Adarna sa kanyang Instagram account last Jan. 2. Tatlong taon na kasing inactive ang sexy actress sa social media at ang huling post pa nga niya ay March, 2017.

Nag-post si Ellen ng short video niya habang nag-i-snow skiing and although na malayo ang shot at hindi mo makilala kung sino, obvious naman na siya ‘yun.

May location na Grindelwald, Switzerland ang post ni Ellen at ang sarap niyang panoorin while skiing.

Malaman ang caption ni Ellen na inilagay. Aniya, “as per my instructor @smartinrs “keep going” should be my mantra this year! #hello2020.”

Matatandaang kumalat ang balita late last year na hiwalay na sina Ellen at John Lloyd Cruz. Up to now ay wala pang statement ang dalawa hinggil dito na hindi na naman bago since never din naman nilang kinumpirma ang kanilang relasyon.

Pero mukhang totoo ang hiwalayan dahil sa mga larawang kumalat sa internet last Christmas ay sa Germany nag-celebrate ng Pasko si Ellen kasama ang anak nila ni Lloydie. Sa mga larawan ay wala ang aktor kaya lalong tumibay ang spekulasyon na mukhang totoo talagang hiwalay na sila.

Ang tanong ngayon ng bayan ay ano kaya ang ibig sabihin ng “keep going” na mantra ni Ellen this year? Ibig kayang sabihin ay magbabalik na siya sa showbiz? At ganun din kaya si Lloydie?

‘Yan ang aabangan ngayong 2020.

Samantala, mainit namang tinanggap ng mga netizens ang pagbabalik ni Ellen sa Instagram at “welcome back” ang karamihan sa komentong mababasa mo.

Isabelle at Maxene mag-aagawan sa bangkay

Tunghayan ang opening salvo for this year ng Ipaglaban Mo ngayong Sabado pagkatapos ng It’s Showtime starring Isabelle Daza, Alex Castro and Maxene Magalona. Pinamagatang Himlayan, ang kwento ay tungkol sa pag-aagawan ng dalawang babae sa pagpapalibing sa kanilang minamahal.

Ginagampanan ni Isabelle ang role na isang businesswoman na umibig sa isang may asawa na si Antonio (Alex) at ibibigay niya ang lahat dito hanggang sa mamatay ito.

Ginagampanan naman ni Maxene ang legal na asawa ni Antonio at ipaglalaban ang karapatan niya bilang asawa hanggang sa kamatayan ng mister.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with