^

Pang Movies

Zia model na model na ang awra

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Zia model na model na ang awra
Zia

Bata lang si Zia Dantes pero ang galing-galing na niyang umawra bilang model, huh!

Ipinagmalaki ni Marian Rivera ang photos ng anak sa pictorial nito ng isang local scent na pambata. Gamit ni Marian ang hashtag na #EmoteraNgTaon.

Sa isang litrato naman sa Instagram, artistahin ang dating ng dalawa niyang anak na sina Ziggy at Zia sa family portrait nila.

Excited na si Yan sa 2020 at para sa kanya, pinakamalaking blessings sa kanya ang pagiging ina nina Zia at Ziggy.

Write about... nagkaroon din ng himala

Hindi lang ang pelikulang Miracle in Cell No. 7 ang gumawa ng milagro sa takilya ngayong Metro Manila Film Festival kung hindi pati rin ang TBA Studios movie na Write About Love.

Isa ang Write About Love sa humakot din ng awards sa festival. Jackpot dito ang director na si Crisanto Aquino dahil tinalo niya si Ricky Lee sa best screenplay category.

Mula sa number 8 slot, malaki ang posibilidad na umangat sa number 5 or 6 ang movie sa kumikita, huh!

Congratulations to all the cast at sa TBA Studios!

Samantala, todo bigay pugay naman ang lahat kay Aga Muhlach bilang bagong box-office king ng MMFF!

vuukle comment

ZIA DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with