^

Pang Movies

Vice, Pokwang pumalag sa bintang na cheap comedy

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Vice, Pokwang pumalag sa bintang na cheap comedy
Pokwang

Festival na naman, at inaasahang ang kikita ay mga pelikulang comedy. Nagpahayag ng kalungkutan si Vice Ganda at maging si Pokwang, dahil sa comment ng ibang mga tao na ang kanilang ginagawa ay “cheap comedy.”

Mabilis iyong binuweltahan ni Vice Ganda, na nagsabing “ang gusto namin ay masiyahan ang mga tao.” Tama naman siya dahil through the years ang mga klase ng pelikula nila ang kumikita, sabihin man ng mga elitista na mababang klase ang comedy nila. Mabilis din naman ang buwelta ni Pokwang, na nagtatanong kung ano nga ba ang cheap na comedy.

Pero ewan nga ba kung bakit ganyan ang kaisipan ng mga elitista. “Cheap comedy,” iyan din ang naging bintang nila noong araw kina Mang Dolphy at kahit na kay Chiquito. Pero ang dalawa ay itinuturing na henyo ng higit na mara­ming Pilipino.

Ganyan din naman ang sinasabi nila noong araw sa Tito, Vic and Joey. Pero ang tatlo ang nag-akyat nang napakalaking kita sa industriya ng pelikula, musika at telebisyon sa ating bansa.

Matatawa ka rin kung ire-review mo ang nangyari noong araw, na maski na ang kinikilalang henyong si Charles Chaplin, na siyang idolo ng lahat ng comedians sa buong mundo ay sinabihan ding ang ginagawa ay “cheap comedy”. Ano nga ba ang cheap comedy?

Pero teka muna, bakit nga ba nagbabayad ang mga tao sa sinehan? Ano ang dahilan? Hindi ba gusto nilang maaliw? At kung sa panonood ng sinasabi ng mga elitista na “cheap comedy” ay lumalabas sila sa sinehan na magaan ang kalooban at naghahalakhakan, hindi ba masasabing nasulit ang kanilang ibinayad sa sinehan? Kung nanood sila ng seryoso at hindi sila naiyak, tiyak paglabas nila ng sinehan may ibinu­bulong silang pintas, hindi sulit ang ibinayad nila.

Tanggapin na natin ang katotohanan, ang pelikula ay hindi pag-aaral ng literatura. Hindi iyan pag-aaral ng potograpiya. Hindi iyan pag-aaral ng pilosopiya. Ang pelikula ay entertainment at ang tao ay nanonood ng sine para matuwa. Alin ngayon ang mas cheap? Iyong pelikulang kumikita, o iyong ibina-bargain na nga ang tickets sa sine ay ayaw pa ring panoorin ng mga tao?

Maraming mawawalan ng trabaho sa ABS-CBN inaalala ng mga pulitiko

Hoy, pati si Senador Lito Lapid, at ang kanyang anak na dating opisyal ng tourism ay naging mayor at governor din, si Mark Lapid, pabor na manatiling bukas ang ABS-CBN.

Ang sinasabi nila, marami talaga ang mawawalan ng trabaho.

Dating aktor na may karanasan sa bading, kagalang-galang na ngayon

Believe kami sa isang dating male star. Noong una napag-usapan siya dahil “inalagaan” siya ng isang negosyanteng bading. Tapos nang maghiwalay na sila, nag-Japan siya kung saan nakilala naman niya ang isang Pinay Japayuki na naging asawa niya. Nagpakasal sila pero nagkahiwalay din. Iyong Japayuki, may asawa na rin ngayon na dati ring artista. Pero si male star, nagpakatino na sa kanyang buhay at ngayon ay may kagalang-galang na hanapbuhay.

Talagang ang tao, anuman ang sabihin mong pinanggalingan, kung gustong magpakatino at ilagay sa ayos ang kanyang buhay, magagawa niya eh. Hindi tamang dahil nagkaroon ng bad start sa buhay ay hatulan na natin agad. Baka naman may pagbabago pa, kagaya nga ng male star na iyan na ngayon ay iginagalang sa kanyang mahusay na propesyon.

Ganyan lang ang buhay ng tao.

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with