^

Pang Movies

Sen. Lito hindi marunong mangdedma!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Sen. Lito hindi marunong mangdedma!
Sen. Lito

Last Sunday, meet the entertainment press ang celebration ni Sen. Lito Lapid na ginanap sa may Roces. Grabe, ang saya-saya, well entertained talaga lahat ng writer ng showbiz sa iba’t ibang dyaryo.

Katuwang ni Sen. Lito ang anak na si Mark Lapid sa nasabing event, with the help din of his lawyer na very accommodating.

Parang reunion ng Mirick Films kasi.

Si Sen. Lito ay naging alaga ko, at si Jesse Chua ang producer ng company na siyang nag paangat sa pangalan ng action star na hindi nakalimot sa mga taong nasa likod ng stunt man.

Thru katotong Lolit Solis nalaman namin ang meet-the-entertainment press. Hindi na po ako nagpakyeme pa, attend ako. Siguro naman welcome pa rin kami sa kanya.

With my daughter Jenny, go kami. Praise the Lord!

Mahigpit na yakap ang sumalubong sa amin.

Maging ang alalay niya na si Glenda ay may inabot sa aming tulong pagdating namin. Alam na ninyo kung ano yun! Sabi ko baka dedmahin ako ni Sen. Lito, nagalit pa siya, sino raw ang mang­dededma sa amin. Pero alam ko happy siya sa aming pagdating. Thank you, Lolit!  

Herbal sa Diabetes, mabisa!

Ang herbal ko na para sa Diabetes ay galing sa Herbal garden sa Porac, Angeles City, ang Serpentina, nang magpunta ako sa Porac, ask nila bakit ako payat, dahil may diabetes ako. Ang Serpentina ang unang doctor ko sa sakit na Diabetes, na nagtanim ako sa harap ng aking bahay. Pati mga may Diabetes ay nanghingi na rin. God bless us all!

Walang hanggang pasasalamat...

Walang katapusang pasasalamat kay Mother Ricky Reyes na siyang kumupkop sa akin, sa Child Haus ako ang pinatira dahil ang aking ospital ay Philippine General Hospital na puro magagaling ang mga doctor. Lalo na kay Dr. Babaran at Dr. JM Torres. Salamat sa mga taong open arms ang pagtulong dahil grabe ang sakit ko.

Ipagdarasal ko na pagpalain pa ang mga taong tumutulong sa aking kasalukuyang kalagayan.

Alam na ninyo kung sino kayo. Salamat sa inyong lahat. Mahal ko kayong lahat.

vuukle comment

LITO LAPID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with