^

Pang Movies

Testing the water sa pagiging bipolar sa MMK Julia masusubukan kung magre-rate pa!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Testing the water sa pagiging bipolar sa MMK Julia masusubukan kung magre-rate pa!
Julia

Testing the water for Julia Barretto ang episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong gabi kung saan gaganap siyang bipolar.

Kaya lang ang siste, baka lahat ng tao nakatutok sa SEA Games at baka hindi mag-abala na panoorin siya.

Or baka nga preempted pa dahil live na mapapanood sa ABS-CBN ang 2019 SEA Games opening ceremonies mula sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan simula 6:50 pm, habang may livestreaming din sila sa iWant at replay sa S+A ng 10 pm.

Or kung mapapanood man, baka after the opening pa ng SEA Games.

Umeere ang MMK every Saturday 8:30 p.m.

Ayon sa isang source, naka-base sa result ng MMK ang kapalaran ng career ni Julia at kung anong ibibigay na assignment sa kanya.

Nauna nang naudlot ang showing ng ginawa nilang pelikula ni Joshua Garcia na zombie movie, Block Z, na suppo­sedly ay ipalalabas na last September pero dahil nga sa naging issue sa kanila ng kanyang family at sa diumano’y ghosting ni Gerald Anderson ay na-hold muna ito.

Maaalala ring na-boo si Gerald nang manood siya ng UAAP.

K pop singers hinatulang makulong dahil sa pangre-rape!

Grabe rin ang mga balita sa Korean showbiz.

Kahapon ay hinatulan ng six years na pagkakulong ang K pop singer na si Jung Joon-young sa kasong panggagahasa at pamimigay ng sex video at isa pang K pop singer ng limang taon sa kulungan sa pagri-rape din.

Ayon sa report ng Reuters :

“Both were members of online chat groups that shared secret sex tapes and made jokes about drugging and raping women, the Seoul Central District Court said.

“Jung’s conviction also includes the illegal distribution of other videos he took secretly while having sex with women. The identities of the victims were suppressed to protect their privacy.”

Gazini nagpapa-trend sa Miss U

Bukod sa SEA Games, ina­abangan din ang magiging laban ng pambato natin sa Miss Universe 2019 na si Gazini Ganados, sa December 8, December 9 sa Pilipinas.

Kahapon ay kasama na si Gazini sa pagti-trend ng #MissUniverse2019 dahil sa pre-pageant activities ng Miss Universe sa Atlanta, Georgia habang suot nito ang all-made Filipino gown.

Samantala, tulad nina Pia Wurtzbach and Catriona Gray, kay tito Boy Abunda rin nag-training for question-and-answer portion si Gazini.

Yup. At pinupuri siya ni tito Boy. “Bilang estudyante si Gazini Ganados ay napaka-diligent. Siya pa ‘yung nagpa-follow up ng oras. Siya pa yung nag-follow up kung kailan ang next session.

“She’s a very attentive student.

“Nung umpisa parang umaatras siya. Bakit parang napaka-shy. Iyun pala she’s overwhelmed na parang si Tito Boy kasi ang nagtuturo sa akin.

“Ang pumapasok talaga sa akin ay palaban. She’s a learner,” sabi ni tito Boy kahapon matapos pumirma ng kontrata sa AMA Online Education bilang spokesperson.

Sa AMA siya nagtapos ng doctorate.

Samantala, nag-open na ang online voting ng Miss Universe for #MissUniverse Online Favorite.

Dyosko sa pagka-babad ng mga Pinoy sa social media na sinasabi nga sa ibang survey na 17 hours ang maximum time na kino-consume ng maraming kababayan natin sa social media, siguradong mangu­nguna sa pagiging favorite si Gazini.

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with