^

Pang Movies

Anne na-amaze sa pagsipa ng baby, tumakaw at may nappy time na rin!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Anne na-amaze sa pagsipa ng baby, tumakaw at may nappy time na rin!
Anne

Bagung-bagong experience and discovery for Anne Curtis ang mga changes na nagaganap sa kanya ngayong nagdadalang-tao na siya at siya mismo ay halatang naa-amaze.

Ipinapaalam pa niya sa kanyang followers sa pamamagitan ng social media ang mga pagbabagong nagaganap sa kanya.

“I now have to take naps during the day. Wala lang. Nakakapanibago. Being someone who’s been so used to working so much. Hindi ko na kaya. I need my afternoon naps,” tweet ni Anne.

Ipinost din ng aktres ang kanyang food na medyo marami na at aniya, dalawa na raw kasi silang kumakain ngayon.

Nakakatuwa rin ‘yung reaksyon niya sa pagsipa ng kanyang baby sa tiyan na aniya ay “amazing feeling.”

“Little one kicking so strong now. What a bizarre and ama­zing feeling,” tweet niya.

Happy naman ang kanyang friends and supporters for her dahil finally nga ay magiging isang mommy na siya.

Baby bump lumitaw Heart mukhang buntis na!

Speaking of pregnancy, naghihinala naman ang netizens and fans ni Heart Evangelista na buntis ang Kapuso actress dahil sa isang larawang ipinost niya kasama ang asawang si Gov. Chiz Escudero.

Sa nasabing photo ay nakakandong siya sa mister at hawak nito ang kanyang tiyan. Makikitang medyo malaki ang puson ni Heart at parang baby bump nga.

Bale ba, ang pagkakahawak ni Gov. Chiz sa tiyan ni Heart ay parang maingat at sapu-sapo ng kamay nito ang tummy ng misis.

Sa comments section, everybody was asking if preggy siya.

“She might be pregnant from the way Chiz holds her tummy,” komento ng isang netizen.

“A bump?” tanong naman ng isa.

“5months preggy congrats to both,” ang tila pagkumpirma naman ng isang follower niya.

Well, for sure naman ay iaanunsyo ni Heart if ever man na nagdadalang-tao siya.

Pancho at Max next year pa mag-aanak

Next year pa planong magkaroon ng baby ng mag-asawang Pancho Magno at Max Collins pero siyempre, pag dumating naman ngayon ay masaya nila itong tatanggapin. “Kapag binigay na ni Lord, ‘yun na ‘yun,” sabi ni Max.

One year na ring kasal ang mag-asawa at kase-settle lang daw nila sa bago nilang bahay kaya medyo naging busy sila. Ngayon daw ay talagang nakabukod na sila at may sarili nang bahay.

Bata pa naman daw si Max, only 27 at wala pa naman sa peligrosong age kung baga.

Siyempre, kinukulit pa rin sila ng ina ni Pancho na si GMA-7 Assistant Vice President Redgi Magno na magkaroon na ng apo pero less pressure na raw ngayon dahil nanganak ang younger sister ng aktor. “Medyo okay na siya du’n,” natatawang sey ni Pancho.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with