^

Pang Movies

Jeric nakabalandra na ang mga pictorial na naka-brief

Joe Barrameda - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maraming televiewers ang nagkainteres at tumututok sa seryeng Magkaagaw. Ito ay base sa AGB ratings.

Umpisa pa lang kasi ay bakbakan na sina Sheryl Cruz at Sunshine Dizon dahil pinag-aagawan nila si Alfred Vargas hanggang ito ay mamatay. Ngayon naman ay ang anak ni Sunshine Cruz na si Klea Pineda ang laging kaaway ni Sheryl bilang assistant niya sa opisina at walang kamalay-malay si Sunshine na kay Sheryl nagtatrabaho ang anak.

Last weekend nga pala ay nasa Vigan sina Jeric Gonzales at Klea para sa isang event doon at sinamantala na rin nila ang pamamasyal doon. Magka-holding hands na nilibot ng Magkaagaw stars ang ilang tourist spots sa Ilocos.

Samantala, nung Linggo ay inilunsad na si Jeric bilang new endorser ng Bench Body at ipinakita na ang isang sexy pose niya sa bagong campaign ng Bench Body.

Marami naglaway sa poster ni Jeric na naka-brief lang.

Baguhang actor mas gustong magsilbi sa simbahan

Napanood namin ang pelikulang Guerrero Dos at lalo kaming namangha sa galing ng binatilyong artista na si Julio Sabenorio na nanalo noon as Best Child Actor sa 2017 PMPC Star Awards for Movies. Medyo bata pa siya noon pero kitang-kita na ang galing sa pag arte, pero mas lalo siyang gumaling ngayon.

Walang workshop ang binatilyo, ginagaba­yan lang siya ng kanyang director sa Guerrero.

Ayon kay Julio wala sa ambisyon niyang maging artista. Hindi raw niya nakikita ang sarili sa mundo ng showbiz at ang calling niya raw ay ang pagsisilbi sa simbahan ng Iglesia Ni Cristo na kanyang kinabibilangan.

Ang Guerrero Dos ay produce ng EBC Films na pag-aari ng Iglesia ni Cristo. 

Kasama rin sa movie si Paolo Marcoleta, anak ni Cong. Marcoleta.

Glaiza balik-acting na!

Balik showbiz naman si Glaiza de Castro after ilang buwan nanatili sa Europe kung saan kumuha raw siya ng ilang short courses doon.

Kitang-kita na na-miss ng televiewers ang Kapuso versatile actress kaya naman talagang sinubaybayan ang paglabas niya sa Beautiful Justice noong Lunes ng gabi bilang si Roxy.

Trending topic ito sa social media gamit ang hashtag na #BJDinukot.

vuukle comment

JERIC GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with