^

Pang Movies

Magkakapatid na Barretto nahimasmasan na?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Magkakapatid na Barretto nahimasmasan na?!

Ang tingin namin, walang isang taong nakapagpatigil ng Barretto wars, pero may mga nagkaisa ng desisyon na kailangang kumilos na sila nang sabay-sabay para matigil na ang iskandalo na palaki nang palaki. Alam naman ng mga tao eh, maraming mas mahahalagang issue kaysa sa away ng pamilya Barretto, pero ano nga ba ang reaksiyon ng publiko? Iyon lamang pagtaas ng ratings ng isang newscast dahil sa pagbibigay daan nila sa mga issue ng iskandalo ay maliwanag na katibayan na sinusundan nga iyon ng publiko, pero kailangang matigil na.

Medyo lumamig na ang ulo at na-focus nga yata sa iba si Gretchen Barretto nang bigla siyang magpunta sa US para bisitahin ang kanyang anak na si Dominique. Nga­yon ang naka-post na sa kanyang Instagram account ang kanyang pamamasyal sa US.

Naniniwala rin kaming natigil si Marjorie Barretto dahil napansin na siguro niya na napahamak din siya sa kanyang mga statement na ginawa. Dahil sa pagtatanggol niya sa kanyang sarili, inamin niya ang matagal na niyang itinatagong katotohanan na si Congressman Recom Echiverri nga ang tatay ng kanyang bunsong anak. Siya ang naglagay sa sarili niya sa balag ng alanganin.

Tumahimik din ang anak ni Marjorie na si Julia Barretto. Siguro advice naman iyan sa kanya ng kanyang network dahil sa totoo lang, siya ang ‘casualty’ talaga sa labang iyan. Siya ang nag-aartista eh, at siya ang nasisira. Hindi pa nga siya nakakabangon sa controversy nila ni Bea Alonzo, ayan na naman siya.

Si Claudine, tahimik naman talaga iyan eh. Nasaktan nga lang kaya bumuga. Iyong Nicole, isipin mo ba namang ilabas niya sa publiko ang sarili niyang baho?

Pero malamang in the end, ang talagang nakapagpatigil diyan ay ang nanay nila. May edad na rin naman si Inday Barretto. May sakit na rin naman at halos hinimatay na nga sa unang away pa lang nila. Siguro naisip din nila ang kalagayan ng kanilang ina, at saka nailabas na rin naman nila ang lahat ng baho ng isa’t isa. Ano pa nga ba ang sasabihin nila?

Samantha Lo dapat pa rin ipagmalaki

Ni hindi nakapasok sa Top 20 ang ating bet sa Miss Grand International na si Samantha Lo. Pero hindi natin dapat ikahiya na tayo ay talo. Hindi rin natin dapat ikahiya ang poor showing ng ating kandidato. Pasalamat nga tayo at nagawa pa niyang sumali matapos ang kanyang hindi magandang karanasan. Kung ibang bata iyon, matapos na ma-detain nang labing siyam na araw at maipa-deport pabalik ng Pilipinas, mabuti kung bumalik pa iyan doon.

At least pinangatawanan pa rin niya kung ano ang dapat niyang gawin, at ginawa niya iyong mag-isa. Pero sabihin mo mang ang problema ay nakakuha siya ng pasaporte sa pamamagitan ng isang fixer, nakakadismayang isipin na hindi pala nababantayan ng mga contest organizers ang ganyang bagay.

Female star na magaling umarte nadadamay sa kulelat na career ng poging BF!

Nasira na ang career ng female star na noong araw ay inaasahang aangat talaga, dahil sumikat naman. Pero dahil sa pakikisama niya sa kanyang boyfriend, nagkaloko-loko rin ang kanyang career. Siguro nga mas happy naman siyang may boyfriend siya kahit na wala na siyang career sa ngayon. Basta happy siya ok lang. Ang masama kung dumating ang araw na pagsisihan niya ang kanyang desisyon.

Pero sayang iyang female star na iyan. Maganda at marunong namang umarte. Iyon naman kasing boyfriend niya, pogi pero wala kang aasahan talaga bilang isang artista. May ganoon eh, iyon bang hitsura lang ang talagang puhunan.

vuukle comment

BARRETTO

GRETCHEN BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with