^

Pang Movies

Andrea singer na rin

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Andrea singer na rin
Andrea

Hindi na makapaghintay ang fans ni Andrea Brillantes sa ilalabas nitong album. May pa-sample pa nga ito sa maganda nitong kanta na Payapa ang title.

Si Andrea ay kabilang ngayon sa The Gold Squad na binubuo nina Kyle Echarri, Seth Fedelin at Francine Diaz na kasama sa cast ng seryeng Kadenang Ginto.

In fairness kay Andrea, ang ganda ng boses niya at may ibubuga pala siya sa pagkanta.

Aliw na aliw ang netizens at viewers sa kanya ‘pag umaarte na siya sa KG bilang si Marga. Talagang kinaiinisan siyang kontrabida sa karakter ni Francine na si Cassie.

Samantala, todo-kayod ngayon ang dalaga dahil sa napabalitang ipinapatayo niyang bahay. Siya kasi ang breadwinner sa kanilang pamilya.

Masayang-masaya siya dahil sa wakas, sa ilang taong pagtatrabaho niya simula pa sa seryeng Flordeliza, matutupad na ang pangarap niya at pangakong bahay para sa mga magulang.

Sa pagsikat ni Andrea, nabigyan din ng pagkakataong umunlad sa buhay ang kanyang kapareha na si Seth. Marami na rin daw itong naitulong sa pamilya, dahil tulad ni Andrea, si Seth din ang breadwinner sa kanilang pamilya. Hindi sila nalalayo, kaya marahil naging close sila agad kahit na sa unang araw pa lang ng kanilang pagtatambal.

vuukle comment

ANDREA BRILLANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with