^

Pang Movies

Aktres sukong makipag-Inglesan kaya napapagkamalang suplada!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Naaliw ako sa isang aktres na product ng isang reality TV show.

Akala ng marami ay may pagka­isnabera siya, pero ang totoo raw ay shy lang siya.

Ang dahilan ng pagka-shy ni aktres ay ang katotohanang hindi siya magaling magsalita ng English.

Nai-intimidate kasi si aktres kapag kinakausap ng English.

Pati sa mga interview, kapag English na ang tanong, “nose bleed” na raw siya.

Ang dahilan nga raw ng paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend na produkto rin ng reality TV show na sinalihan niya ay language barrier.

Laking-Amerika kasi si lalaki at kapag nag-uusap silang dalawa ay hindi sila masyadong magkaintindihan.

May mga pagkakataon daw na gusto nilang pag-usapan ang mga problema sa kanilang relasyon, pero hindi raw ma-express ni aktres ang mga gusto niyang sabihin sa boyfriend that time kaya nga nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

“‘Yung iba, akala isnabera ako, pero takot ako kapag ini-English na, kaya akala ng iba ay isnabera ako,” natatawang sabi ni aktres.

‘Kaloka!

Anak ni Mayor Isko pag weekend lang sumasabak sa showbiz

Dapat pala ay may regular TV series na ang anak ni Manila Mayor Isko Moreno na si Joaquin Domagoso, pero priority raw ng binata ang kanyang studies sa isang university, kaya hindi natanggap ng kanyang management team ang project na ‘yon.

‘Yung Jolly Spirit Squad movie nga ni Joaquin, every weekend lang ang shooting niya.

Mukhang pinayagan ni Mayor Isko ang anak na pasukin ang mundo ng showbiz, pero dapat ay unahin pa rin ni Juaquin ang kanyang studies.

Anyway, nakapag-last shooting na ang cast ng Jolly Spirit Squad at umaasa sila na makakasali ito sa Metro Manila Film Festival 2019 finished product category.

Gabby inaabangan sa Iconic nina Sharon at Regine

Ang bongga ni Gabby Concepcion dahil may nagkuwento sa akin na pa-Hawaii siya sa November.

Bale may show siya roon at magbi-birthday rin daw sa November 5.

May mga nagtatanong nga pala kung manonood ba si Gabby ng Iconic concert ng ex-wife na si Sharon Cuneta (with Regine Velasquez-Alcasid) sa Araneta Coliseum on October 18 & 19?

Bati na kasi ang ex-couple kaya ang mga fan pa rin naman ng dating love team nila ay umaasang makikita si Gabby na manood ng Iconic concert.

Well, sana nga!

‘Yun na

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with