^

Pang Movies

Ella umaming puppy love si Julian

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Ella umaming puppy love si Julian
Ella Cruz, Julian Trono

Inamin ni Ella Cruz na puppy love umano niya noon si Julian Trono na matagal niyang nakasama sa kiddie show ng GMA-7, ang Tropang Potchi pero nawala umano ito nang mapunta si Ella sa bakuran ng ABS-CBN at naiwan naman sa GMA-7 si Julian.

Pero na-rekindle ang kanilang muling pagiging close sa isa’t isa nang sila’y magtambal sa kanilang 2017 movie under Viva Films, ang Fangirl/Fanboy at magmula noon ay halos inseparable na sila.

Although nagwo-work sa kanilang dalawa ang pagiging magka-loveteam, open sila pareho to work with other partners for their own growth na rin bilang actors.

Very proud boyfriend si Julian nang manalong Best Supporting Actress si Ella sa nagtapos na 2019 Cinemalaya Film Festival para sa pelikulang Edward na dinirek ni Jhop Nazareno at pinagtambalan nila ng teen actor na si Louise Abuel who played the title role.

Although pareho silang singers at mahusay na dancers, mas nakikita ni Julian kay Ella ang pagiging isang mahusay na actress na una nitong pinatunayan in 2007 nang siya’y manalong Best Child Actress mula sa FAMAS para sa pelikulang Resiklo na pinagbidahan ng actor-senator na si Bong Revilla.

Napapanood ngayon sina Ella at Julian sa isang TV series on Cignal TV, ang A Not So Fake Love Story at nakatakda rin nilang simulan ang isang bagong movie under Viva Films kung saan din nila makakasama sina Vitto Marquez at Andrew Muhlach.

Andrea at Derek na-love at first sight

Barely three months inabot sa ere ang first TV series ng bagong Kapuso actor na si Derek Ramsay, ang The Better Woman na kanilang pinagtambalan ng kanyang girlfriend na ngayon na si Andrea Torres. Ang nasabing serye na dinirek ni Mark Sicat dela Cruz ay nagsimula sa ere nung July 1, 2019 at nagtapos nitong September 27.

Hindi man nagtagal sa ere ang The Better Woman, doon naman nagsimula at nabuo ang love affair nina Derek at Andrea.

Kasama pa noon ni Derek ang kanyang ex-girlfriend of almost six years, ang modelong si Joanne Villablanca nang siya’y pumirma ng kontrata sa GMA-7 last April 3 pero sa buwan ding `yon nagtapos ang kanilang relasyon.

It must have been ‘love at first sight’ sa pagitan nina Derek at Andrea na unang nagtambal sa summer station ID ng Kapuso Network.

Nung nakaraang July ay isinama na ni Derek si Andrea sa Shanghai, China nang mag-compete si Derek sa frisbee sa nasabing bansa. Hindi naman siguro basta-basta na lamang sasama si Andrea kay Derek kung wala pa silang relasyon noon.

Masayang-masaya ngayon sina Derek at Andrea sa kanilang bagong relasyon. Nasa Dubai ngayon ang dalawa para sa panibagong competition game ni Derek.

Masaya rin ang dalawa dahil close din ngayon ang kanilang respective parents and families.

Kathryn naimpluwensiyahan si Daniel na magnegosyo

Magkasosyo ngayon sa negosyo ang magka­sintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa itinayo nilang barber shop na Barbero Blues na may dalawang branches kaagad, isa sa SM North EDSA at isa sa SM North Fairview.

Mukhang naimpluwensiyahan ni Kathryn ang kanyang nobyo sa pagne-negosyo dahil successful ang Kathnails by KCMB ni Kathryn na meron nang 8 branches ngayon.

Samantala, nasa Iceland ngayon sina Kathryn at Daniel for their much-needed vacation na matagal din nilang pinlano.

vuukle comment

ELLA CRUZ

JULIAN TRONO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with