^

Pang Movies

Gloria Diaz trending agad, bongga ang ‘role’ sa palabas sa Netflix

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Gloria Diaz trending agad, bongga ang �role� sa palabas sa Netflix
Gloria Diaz

Ang teaser ng Insatiable season 2 teaser kung saan ay may guest appearance ang first Miss Universe (1969) ng Philippines na si Gloria Diaz.

Ngayong October 11 na ‘yon sa Netflix.

Ang alam ko, isa sa mga episode ng season 2 mapapanood si Tita Glo na nag-trending agad kahapon.

Kahapon ay ka-text ko ang nanay ni Isabelle Daza-Semblat.

Sabi ko sa kanya, ang bongga at magsisimula na pala ang season 2 ng nasabing Netflix series. “Hahaha, Jun, small, small role lang but they will be here on October 7 ‘til 9,” very humble na sagot ni Tita Glo.

Sinu-sino ang darating sa bansa?

“Stars and producers,” sey niya at napa-wow ako.

Kasama kaya si former Disney star Debby Ryan sa cast ng Insatiable season 2 na darating sa ating bansa?

Para nga pala dumating dito ang stars and producers ng Insatiable ay nangangahulugan lang na very important ang guesting ni Tita Glo sa series nila, huh!

Ang bongga!

Charo Santos may special participation sa Starla 

Ang presscon at family screening ngayong Saturday ng Starla, ang bagong series ni Judy Ann Santos sa ABS-CBN.

Ang nasabing series ang papalit sa The General’s Daughter na magtatapos na.

May special participation sa Starla ang Kapamilya network lady boss na si Charo Santos-Concio.

Maine naka-line up na ang guestings sa Dos!

Sisiguraduhin daw ng fans ni Maine Mendoza na magiging box-office hit ang Isa Pa With Feelings movie ng phenomenal star ng Eat Bulaga.

Sa October 16 na ipapalabas ang pelikula ni Maine kung saan ay leading man niya si Carlo Aquino.

Inaasahan ang pagge-guest ni Maine sa ilang shows ng ABS-CBN para i-promote ang nasabing pelikula.

Grabe nga pala ang views ng teaser trailer ng Isa Pa With Feelings.

‘Yun na!

vuukle comment

GLORIA DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with