^

Pang Movies

Dianne na-bash dahil sa BI kina Maxine at Kylie

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Dianne na-bash dahil sa BI kina Maxine at Kylie
Dianne Medina

Si Dianne Medina ang napagbuntunan ng sisi ng ilang netizens sa paglaki ng isyu kina Maxine Medina at Kylie Verzosa. Nakisawsaw daw si Dianne sa isyu ng pinsan na si Maxine at Kylie, nag-post ng blind item sa Facebook, kaya raw nalaman ang “duraan issue” sa dalawang beauty queens.

Tinawag na “starlet” at “sawsawera” si Dianne dahil daw sa pagsawsaw sa isyu, nabahiran ang pangalan nina Maxine at Kylie, nalamang may attitude problem ang dalawa at nagka-ilangan pa sa set bago nila naayos ang isyu nila.

In fairness kay Dianne, hindi pa man niya napo-post ang BI niya sa FB, nasulat na ang pandudura ni Kylie kay Maxine, hindi si Dianne ang source noon at nahulaan agad na ang dalawang beauty queens ang nasa blind item.

Sagot ni Dianne sa netizen na tumawag sa kanyang starlet at sawsawera, “ako pa talaga ang nakisawsaw o IKAW? Isipin mo” at “Sige ako na starlet ikaw na ang star.”

Ipinagtanggol lang ni Dianne ang pinsan niyang si Maxine, na-bash pa siya and obviously, hindi alam ng basher na magpinsan sina Maxine at Dianne. Hindi updated si ate na nakisawsaw sa isyu.

Louise Abuel makikilala na

Makikilala natin mamaya si Louise Abuel, ang young actor na bida sa Viva Films movie na Edward na showing sa October 2. Una nang ipinalabas sa 2019 Cinemalaya ang pelikula na ang description ng Viva ay “the coming-of-age story of a young boy who has lived amongst the ailing.”

Aalamin natin kung paano nagsimula si Louise sa showbiz, ilang movies at TV shows na ba ang nagawa niya. Ano ang feeling na magkaroon ng movie sa Cinemalaya at kung related ba siya sa veteran at magaling na actor na si Tommy Abuel?

Kasama ni Louise sa Edward si Ella Cruz na nanalo ng Best Performance of a Supporting Actress. Proud na nag-post si Ella ng kanyang litrato hawak ang trophy sa tabi ng CCP at nagpasalamat sa Cinemalaya. Naalala namin, ang Edward ang isa sa Cinemalaya entry na pinuri ng moviegoers at hindi nilayasan gaya ng ibang film.

Fans nina Catriona at Clint ‘di pa rin maka-move on

Naka-move on na sina Catriona Gray at Clint Bondad sa isa’t isa, pero ang ibang shippers ng ex-couple, hindi pa rin nakaka-recover. Kahit may tsikang nililigawan ni Sam Milby si Catriona, pinagseselosan pa rin nila ang girls na nali-link kay Clint. Heto pa, ultimong makasama lang ni Clint sa picture, akala ng mga selosang fans, nilalandi na si Clint.

Aatakihin na ang pobreng babae at sasabihang wala siyang panama kay Catriona sa face at sa na-achieve at never magkakaroon ng title. Hindi ba unfair kay Clint na itinutuloy lang ang buhay, pero si Catriona, puwedeng ma-link kay Sam.

Nagkakagulo na naman sa socmed account ni Clint dahil sa pinost nitong picture kasama si Sanya Lopez. Hindi raw magugustuhan ni Catriona ‘yun, as if naman, may care pa si Miss Universe kay Clint.

May nagsi-ship din naman kina Clint at Sanya, bagay daw sila at may chemistry at nanawagan sa GMA 7 na pagtambalin ang dalawa sa teleserye. Malapit nang magtapos ang Dahil sa Pag-ibig nina Sanya, Pancho Magno at Benjamin Alves, malay natin at sa susunod na teleserye ni Sanya, si Clint ang kuning kapareha niya.

vuukle comment

DIANNE MEDINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with