^

Pang Movies

John Lloyd at Bea sabay nanood ng musical play

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
John Lloyd at Bea sabay nanood ng musical play

Aktor ‘di na mukhang ermitanyo

Hindi na mukhang ermitanyo ang hitsura ngayon ng actor na si John Lloyd Cruz nang ito’y makita sa Filipino musical play na Himala: Isang Musikal, isang adaptation mula sa 1982 movie na pinagbidahan ni Nora Aunor mula sa direksiyon ni Ysmael Bernal.

Ang musical re-run ay nagsimula nung September 20 na tatakbo hanggang October 20, 2019.

Bukod kay John Lloyd ay nakita rin sa nasabing okasyon ang perennial screen partner ng Kapamilya actor na si Bea Alonzo na kamakailan lamang ay nasa gitna ng kontrobersiya na may kinalaman sa kanilang recent break-up ni Gerald Anderson.

Planado kaya ang mu­ling pagkikita nina John Lloyd at Bea o aksidente lamang silang nagkita sa nasabing musical play na ginaganap sa Power Mac Center Spotlight in Circuit Makati?

Last June ay napabalitang hiwalay na umano si John Lloyd sa partner nitong si Ellen Adarna kung kanino siya may isang taong anak na si Elias Modesto. Sumunod naman dito ang controversial break-up nina Bea at Gerald kung saan nadamay si Julia Barretto.

Ang team-up nina John Lloyd at Bea ay isa sa pinaka-successful hindi lamang sa telebisyon kundi maging sa pelikula.

Nakagawa na sila ng pitong teleserye at walong pelikula together. Hindi man naging sila, naging close silang magkaibigan through the years.

Samantala, nagkaroon naman ng pag-asa ang mga fans nina John Lloyd at Bea na baka ang kasunod dito ay ang kanilang balik-tambalan either sa pelikula o telebisyon.

Si John Lloyd ay humingi ng indefinite leave of absence sa showbiz in October 2017 to lead a simple life away from the camera kasama si Ellen.

Vice at Anne naka-10 years bago nagsama

Parehong excited sina Vice Ganda at Anne Curtis sa kanilang first team-up sa movie sa pamamagitan ng Mommaland: The Mall the Merrier na pinamamahalaan ni Barry Gonzalez na joint production ng Star Cinema and Viva Films.

Pasok na ang nasabing pelikula sa naunang four official entries sa darating na 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF).

10 taon na halos na magkasama sina Vice at Anne bilang mga main hosts ng noontime show na It’s Showtime pero never pa silang nagtambal sa pelikula kung hindi ngayon lang sa The Mall the Merrier.

Moira ang pangalan ni Vice sa movie habang si Morisette naman si Anne.

Makakasama rin sa movie nina Vice at Anne sina Dimples Romana at Tony Labrusca.

Malayo pa man ang December 25 na siyang petsa ng pagsisimula ng MMFF ay marami na ang excited sa unang tambalan nina Vice at Anne na siyang inaasahang mangunguna sa takilya out of the eight official entries.

Mayor Isko maggi-guest sa Ang Probinsyano?!

Umaasa ang fans ni Coco Martin na sana’y makapasok ang kanyang movie entry, ang Tripol Trobol sa MMFF. Kasama ni Coco sa movie sina AiAi de las Alas at Jennylyn Mercado. Kapag nakapasok ang pelikula ni Coco sa MMFF, magiging pang-apat na entry niya ito na kanyang sinimulan sa movie nila ni Vice Ganda in 2015, ang Beauty and the Bestie, Ang Panday in 2017 at ang 2018 entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles. Ang se­cond team-up nina Vice Ganda at Coco na The Super Parental Guardians in 2016 ay hindi pumasok sa MMFF kaya ipinalabas ito sa buwan ng November at kumita sa takilya ng halos P600-M.

Kung noong isang taon ay sina Vic Sotto at Maine Mendoza ang kasama ni Coco sa Jack Em Popoy, this time naman ay sina AiAi at Jennylyn na pareho ring Kapuso stars.

Samantala, apat na taon na sa ere ang action-drama TV series na FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco na patuloy pa ring namamayagpag sa ratings.

Still on Coco, naging palaisipan ang pagkikita nila ng mayor ng Maynila na si Isko Moreno.  Magiging bahagi kaya si Yorme sa long-running TV series ni Coco o sa pelikulang ginagawa ngayon ng actor-director at producer for MMFF?

Inamin ni Coco na talagang sinadya niya si Yorme sa tanggapan nito sa Manila City Hall dahil bukod sa nagkasama na sila noon sa isang teleserye, hindi ikinakaila ni `Cardo Dalisay’ na tagahanga umano siya ng mayor ng Maynila. Pero may suspetsa ang marami na malamang inimbitahan ni Coco si Yorme na mag-guest sa Ang Probinsyano o ‘di kaya sa kanyang ginagawang movie for MMFF.

vuukle comment

BEA ALONZO

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with