^

Pang Movies

Kim tinalo na si Dimples sa dami ng meme dahil sa gown na pang-mermaid

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kim tinalo na si Dimples sa dami ng meme dahil sa gown na pang-mermaid
Kim Chiu

Ginawang trumpo, bala ng shotgun, etc

May kapalit na si Dimples Romana o Danie­la Mondragon ng Kadenang Ginto sa pagkakaroon ng iba’t ibang memes na kung saan-saan siya inilagay habang nakasuot ng red gown at may hawak na maleta.

Si Kim Chiu naman ngayon ang pinaglalaruan ng netizens dahil sa suot niyang gown sa katatapos lamang na ABS-CBN Ball 2019.

In fairness, maganda naman ang backless white beaded trumpet gown ni Kim na gawa ng young designer na si Benj Leguiab pero medyo kakaiba kasi dahil sa tila mermaid tail sa dulo.

Kaya  umandar na naman ang pagi­ging creative ng mga Pinoy at kung anu-ano ang ginawa sa kanyang gown.

May meme na ginawa siyang shu­ttle­cock o bola ng badminton, naging rocket din siya, bouquet of flower, arrow ng pana, trumpo, eroplanong papel, table napkins at bala ng shotgun. Inilagay din siya sa ibabaw ng cupcake at kung anu-ano pa.

Viral na ang mga nasabing memes at ang dami naming itinawa talaga nang makita namin.

Maging si Kim ay nakita na rin ang kanyang funny memes at tinatawanan din niya ito. Sa kanyang Instagram Story, sey niya sa caption, “ang dami nang nara­ting ng gown ko!!! Hahah hihi” at inimbitahan niya ang followers niya to watch her vlog para malaman ang story behind the gown.

Sa nasabing vlog ni Kim ay ikinuwento niya ang journey sa paghahanap ng kanyang gown na tinawag niyang Traje de Magdalena. Makikita sa video na talaga namang sobrang tuwang-tuwa si Chinita Princess nang makita niya ang kanyang gown na in fairness, talaga namang pinaghirapan ng designer ang detalye.

In fairness din naman, marami rin namang pumuri sa gown at sinaluduhan si Kim sa pagbibigay ng chance sa mga young designer.

Pero ang hirap ilakad ng gown kaya naman at some point ay binuhat pa siya ng boyfriend na si Xian Lim para lang makababa sa hagdan. Nag-viral nga rin ang video na karga-karga siya ng aktor.

At kahit inokray ang kanyang gown, isa pa rin naman si Kim sa head-turners nang gabing ‘yun at nakaw-pansin talaga ang kakaibang disenyo ng kanyang suot.

Kylie at Jake official na ang relasyon

Inamin na nina Kylie Versoza and Jake Cuenca ang kanilang relasyon sa Tonight With Boy Abunda aired last Monday. When asked kung officially together na ba sila, hindi na nakapag-deny pa ang dalawa.

Hinawakan ni Jake ang kamay ni Kylie sabay aming, “yeah, we are, yes, oo naman.”

Sey naman ni Kylie, “hindi pa ba obvious?”

Nang tanungin ng host na si Boy Abunda kung paano nagsimula ang kanilang love story, kuwento ni Kylie ay una raw silang nagkakilala ni Jake sa set ng Panday.

“And actually, hindi ko siya type nu’n, kasi long hair,” sey ni Kylie.

And then, kuwento ni Jake pinapadalhan daw niya ng mensahe si Kylie sa direct message nito sa social media pero “seen” mode lang daw siya at hindi raw siya sinasagot.

Pero alam daw niya in his heart na magkakatrabaho rin sila at dumating nga ang time na ito sa Los Bastardos. Doon daw sila nagsimulang maging magkaibigan muna.

“We became friends first. We had a solid foundation of friendship first,” saad ni Jake.
 

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with